Is it wrong to assume na meron kahit wala?
Ang gulo ng tanong ko no?
Well, sing-gulo din yan ng situation ko.
I fell for her mixed signals
I fell for her actions
I fell for her words
I fell in love with her.
She does things so casually, so naturally, that made me question,
"Ano ba talaga tayo?"
Flashback
"Stacks! My dear!" Tawag sakin ni Jhoana. Katatapos lang ng practice namin and kung makatawag siya ay para bang ilang taon kaming hindi nagkita.
"OA naman ng tawag." Reklamo ko. "Bakit ba?"
She pouted her lips and showed me a puppy eyes. "Sungit mo naman. Gusto lang kita ayain kumain eh." Parang bata niyang sabi.
I pinched her pouting lips lightly which made her tap my hand. "Hindi ka cute. Mukha kang pato." Natatawa kong sabi.
"Aray ko naman." Pagtatampo niya. Naglakad siya palayo sakin at lumapit kila ate Colet and ate Aiah na ngayon ay magkausap.
"Hoy mangga! Wag mo nga guluhin sila ate Aiah." Sabi ko pero tinarayan niya lang ako.
"Che! Doon ka! Sila na lang aayain kong kumain kasi hindi mo na ako love." Napangiti na lang ako dahil sobrang cute niya magtampo. Nagbe-baby talk siya.
"Kadiri ka ate Jho! Wag kang magbe-baby talk!" Reklamo ni Sheena na ikinatawa ng lahat.
"Uyyy, wag kayo ganyan kay Jho." Sabi ko habang pinipigilan yung tawa. "Nagmumukha siyang pato. Mahaba na nga baba niya pati ba naman yung nguso niya gusto niyo rin humaba." Dagdag ko na mas kinatawa nila.
"Ahh ganun? Okay." Blangkong sabi ni Jhoana. Lumapit ako sa kanya and hinawakan ko yung kamay niya.
"Ito naman, tampo agad. Cute ka naman eh." Bulong ko sa kanya which made her smile adoringly.
"Thank you princess ko."
End of flashback
I enjoyed teasing her, kahit yung girls, we love teasing Jhoana pero sobrang mahal namin siya. Lalo na ako. I love her with all that I am not knowing na hindi na pala platonic yung pagmamahal ko.
Flashback
"Asan si Stacey?" Rinig kong tanong ni Jhoana. Sakto naman ang dating namin ni Gwen and ate Maloi sa restaurant kung saan kami kakain.
"Miss mo naman agad ako?" Napalingon siya sakin and abot langit yung ngiti niya. Umupo ako across her which made her sulk. Gusto niya ata magkatabi kami.
Dumating na yung pagkain namin. Kausap ko si ate Maloi na katabi ko ngayon pati narin si Mikha. I'm about to get myself some food, nakita ko si Jhoana na naglagay ng plato na may pagkain harap ko.
"Ano to?" Tanong ko sa kaniya.
"Pagkain malamang. Ano kala mo diyan? Bato?" I rolled my eyes because of her sarcasm.
"Bakit mo ako pinaghandaan?"
"Hindi kita katabi eh." She said. I noticed na nakahimay na yung hipon pati narin yung chicken na nakaprepare na sa bite size.