Macolet

999 37 7
                                        

I'm on the phone with Sheena kanina because she asked me to collect her bag inside the student council room dahil naiwan niya ito. I told her na dadalhin ko na lang sa bahay nila ang bag niya. I can no longer talk to her sa phone dahil lowbat na ito. Good thing nasabi ko ang mga dapat kong sabihin bago namatay ang aking phone.

Pagkarating ko sa room, I saw that the door is open kaya hindi na ako nahirapan pang pumasok. I don't have a key nor any kind of access to enter this room kaya masuwerte na rin na bukas ito.

I shut the door pagkapasok ko at pumunta agad sa isang sofa kung nasaan nakita ko agad ang gamit ni Sheena.

"Shit!" Nagulat ako kasi may biglang nagsalita. Halos kumawala ang puso ko sa dibdib ko dahil ang alam ko, ako lang mag-isa dito.

Tumalikod ako at nakita ko si Colet na sinusubukang buksan ang pintuan. Takang pinagmamasdan ko siya dahil bakit parang hirap siyang buksan ito.

"Bakit mo sinara?!" May inis niyang tanong at tumingin sa'kin.

"Bakit kasi hindi mo sinara? And what's wrong ba?!" I asked, matching her tone.

"The lock is broken. And thanks to you, we're trapped here." She sarcastically stated.

"Bakit ako? Alam ko ba na sira pintuan niyo?!"

"What are you even doing here? Hindi ka naman student council member."

"Sheena asked me to get her things."

I'm very approachable, very friendly, and easy to be with. But if there's one person na hindi ko naging kasundo dito sa school, that's Colet Vergara---the student council vice president.

Hindi ko na matandaan kung kailan at bakit nagsimula ang pagiging magkaaway namin. There's one thing I'm sure of, she's a very grumpy person.

"Try using your phone and ask someone to get us out of here." Colet commanded.

"My phone is dead."

"You're fucking useless." She deadpanned, grabbed a chair and sat on it.

"Useless your face. Bakit hindi mo gamitin phone mo?! Kung makautos ka kala mo kung sino ka."

"If I have my phone, sa tingin sasabihin ko pa 'yon? Use your common sense."

"Kanina ka pa, ahh! Parang pinamumukha mo sa'kin na bobo ako!" My voice is sharp, giving her a daggering look out of annoyance.

"It's your words, not mine." She flatly replied.

"Urgh!" I groaned. I stormed towards the door and tried my best to unlock it. Sobrang inis ko sa taong kasama ko, ang gusto ko na lang ay makalabas dito.

"Stop hitting the door." Napatingin ako sa kaniya. "You're hurting it." Mas lalong kumulo ang dugo dahil sa sinabi niya.

Nakadagdag pa sa inis ko ang biglang pag-ulan. Kita ko na unti-unting dumidilim ang langit dahil malapit na maging gabi, kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Kinalma ko ang sarili ko at umupo na lang sa sofa kung nasaan ang mga gamit ni Sheena. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, hindi na sana ako nagpresenta na kunin gamit ni Sheena.

"Pwede ba? Tigilan mo magbuntong-hininga. We're in an enclosed space and we need to save oxygen."

"You're the one who's talking. Maybe you should shut up first." I spat.

Hindi na siya nagsalita and I'm thankful for it. Baka kung ano pa masabi ko kapag nagtuloy-tuloy siyang makipagtalo sa'kin.

Tinignan ko ang relo ko at halos isang oras na kaming stuck dito. I know for sure wala ng mga estudyante sa school kasi kanina pa tapos ang mga klase. The only reason kung bakit pa ako nasa school ay dahil tinapos ko lahat ng assignments ko sa library.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon