Macolet

1.2K 38 6
                                        

Maloi's POV

Lakad takbo kami ni Gwen papasok ng school building namin. Hindi naman kami late pero may gusto kasi akong puntahan.

Pumasok kami sa loob ng building at hawak ko parin braso ni Gwen habang naglalakad. Pagkaakyat namin sa second floor, huminto kami at binitawan ko siya.

"Kamusta mukha ko?" Tanong ko kay Gwen habang inaayos bangs ko.

"Panget. Kasing panget ng pagkahila mo sa'kin dito." Naiinis na sagot ni Gwen. I rolled my eyes at her and smile.

"Dito na ako dadaan. See you sa room."

"Teka! Bakit diyan ka dadaan? Mas malayo diyan." She asked. Before I could reply, she looked at me in disbelief.

"Don't tell me dadaan ka diyan because of your crush?"

I tuck my lips inwards, suppresing myself to smile.

"Maloi.."

"We listen and we don't judge diba?"

"Oh, no. I'll judge you. Dami mong effort para makita si Colet tapos kahit mag-hi ka lang hindi mo magawa."

Tinakpan ko ang mga tenga ko gamit mga kamay ko. "Amazing! Wala akong naririnig!"

Nagsimula na akong maglakad at iniwan si Gwen. Masaya akong naglakad at pansamantalang huminto sa tapat ng room bago sa room nila Colet. I composed myself first and nagsimula na ulit maglakad.

Nang mapadaan ako sa may bintana nila, nakita ko siyang nagbabasa ng libro. Dahil wala sa paligid niya ang atensyon niya, tumitig ako ng mas matagal hanggang sa makalagpas ako sa room nila.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang tumatakbo papunta sa classroom dahil sa kilig. Sobrang crush ko kasi talaga si Colet simula first year highschool. Kahit ngayong grade 10 na kami, hindi parin siya napapalitan sa puso ko.

Hindi ko naman nagawang umamin. To be honest, Colet has a lot of admirers kaya I don't think na necessary pa na umamin ako.

"Ang poganda talaga ni Colet." Kinikilig kong sabi kay Gwen pagkaupo ko sa tabi niya. Para akong timang na sobrang lapad ng ngiti kapag naaalala ko si Colet.

Bigla akong nakaramdam ng bagay na tumama ng malakas sa ulo ko.

"Aray naman!" Reklamo ko pagkatapos akong hampasin ni Gwen ng notebook sa ulo.

"May assignment, gaga. Tama na pagpantasiya mo sa crush mong hindi ka kilala."

"Hala! Shet! May assignment?! Pakopya!" Natataranta kong sabi.

"Ayan, Colet pa more." Hindi ko na pinansin sinabi niya dahil busy ako sa pagkopya ng sagot niya. Hindi naman siguro mahahalata kasi pare-parehas lang naman tanong sa assignment.

Hindi rin nagtagal ay dumating na ang teacher namin at nagsimulang magturo.

Natapos na ang klase at mabilis akong nagligpit ng gamit ko.

"Saan na naman punta mo?" Gwen asked.

"Sa library."

"Kailan ka pa nahilig magbasa?" She paused for a second then continued. "Damn you, woman. You'll spend your lunchtime sa library para makita si Colet instead of eating? I can't with you. Huwag kang magrereklamo sa'kin na gutom ka ah."

"Maruya then C2 lang sa'kin! Bye, Gwen! Love you!" Tuloy-tuloy kong sabi habang palabas ng classroom. Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa'kin.

Dumeretso agad ako sa library. Bago ako pumasok ay inayos ko muna ang sarili ko. Hinanap ng aking mga mata si Colet sa usual spot niya. Madalas siya sa may sulok sa may tabi ng bintana.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon