Author's Note:
Post ko na to kasi baka hindi ako makapag-update the following days.
Drop niyo lang sa comment section yung other ships na gusto niyo gawan ko ng story so once na may time ako, gawan ko sila.
---------------------------------------------------------------------------------
Isang buwan yung lumipas and hindi ko alam paano ako nakalagpas. The night that Gwen and I talked was the last time that we're alone.
Hindi ko alam kung masasaktan ba ako or matutuwa kasi pakiramdam ko, nakamove on na agad si Gwen.
Kapag kasama namin yung circle of friends namin, she talks to me in very casual way. Parang walang nangyari samin.
She still cares about me. Pinaghahandaan niya ako ng pagkain, lagi akong included sa mga conversation and sa mga gala naming magkakaibigan.
But then I realised, hindi na lang siya sa akin ganun. Kahit sino sa aming magkakaibigan, extra attentive and caring siya.
"Expect ko talaga kayo sa launching event namin ha." Sabi ni Gwen. Nandito kami sa usual restaurant na pinagtatambayan namin.
Opening ng bagong gallery ng isa sa mga client nila and isa siya sa mga main organizer ng event. First major event ito ng career niya and I'm happy for her.
Pero mas masaya sana kung kami parin habang nagiging successful siya sa buhay niya.
Natapos na kaming kumain and nagkanya-kanya na kaming alis. Nandito pa ako sa labas ng restaurant and hinihintay yung grab na binook ko.
"I'll be expecting you there Maloi." Napatingin ako sa gilid ko when I heard Gwen's voice. She's smiling at me that somehow gave me comfort.
"Oo naman. I'm happy for you and congrats." Nakangiti kong sabi. Ang dami kong gustong banggitin sa kanya. Ang dami kong gustong iparamdam sa kanya pero naalala ko, wala na pala akong karapatan.
I'm about to bid my goodbye when I heard someone calling her. "Gwenny!" Napatingin ako kung sino yung tumawag sa kanya.
It's Aiah.
Kumaway siya and sinuklian naman ni Gwen. "Bye Maloi." Paalam ni Gwen and tumakbo papunta kay Aiah and pumasok sa kotse niya.
Naramdaman ko na naman na tumulo yung luha ko dahil nasasaktan ako sa nakikita ko. I can't bear to see her being happy with someone else.
I want to get jealous. I want to confront her and be possessive of her pero paulit-ulit na pinapaalala sakin na ako yung may kasalanan bakit nawala siya sakin.
********
Nandito ako ngayon sa gallery kung saan main organizer si Gwen. Kasama ko yung mga kaibigan ko and sabay sabay kaming pumunta dito.
It's very majestic yet calm ambiance yung mismong gallery. Lahat kami nakaformal attire and everyone here looks expensive.
Marami ding magagandang painting na nakasabit and nakadisplay sa paligid.
Pinagmamasdan ko yung isang abstract painting na nakadisplay. I'm a big fan of art. Kapag wala akong ginagawa, I'll draw or I'll paint. Meron nga akong isang kuwarto sa bahay ko na puro drawings and paintings ko lang.
Gwen always admire that talent of mine. She always compliments my works and sabi niya, kapag nakapag-ipon siya ng malaki, pagagawan niya ako ng sarili kong gallery so I can show everyone how talented am I and para din maipagmayabang niya ako yung girlfriend niya na gumawa ng mga masterpiece ko.