Gwenaiah P.2

622 45 4
                                    

Author's Note:

Alam kong may hihingi ng part 2 kaya ginawan ko na para post na lang agad.

Bawal talaga oneshot sa pamilyang to.

----------------------------------------------------------------------------------

"So? How was it?" Ang aga-aga ay nandito si Maloi sa music shop ko. It's been five days since my first date with Gwen.

Hindi na namin agad nasundan kasi naging busy siya sa photoshoot niya. Lagi naman niya akong tinatawagan of minimessage kaya mas naging kapalagayan ko pa siya ng loob.

"You're right. She's good. I'm comfortable around her." Bigla naman tumili si Maloi which caught the attention of my customers. Ngumiti lang ako ng nahihiya tapos pinandilatan ng mata si Maloi.

"Sabi na nga ba magugustuhan mo siya eh." She commented.

"San mo nga pala nameet si Gwen?" Tanong ko sa kanya.

"Sa isang event sa BGC. Isa siya sa mga model dun and she's nice with everyone. Mukha lang siyang intimidating pero napakasofty niya. Anyways, nagkausap kami and I asked her kung single siya and she said yes kaya nireto kita sa kanya."

Natapos dun yung conversation namin ni Maloi kasi umalis na siya dahil tinawagan siya ng boss niya.

Since wala naman akong masyadong ginagawa, nagpakabusy na lang ako sa pag-aayos ng mga vinyl and songbooks.

"Excuse me? Do you have a Carpenters vinyl?" Tawag pansin sakin ng isang customer. Familiar sakin yung boses niya kaya tumalikod ako para makita siya.

A smile curve into my lips when I saw Gwen standing in front of me. She's smiling at me which made my heart flutter.

Hindi ko alam kung bakit ko siya biglang niyakap. Maybe because I missed her and I'm comfortable around her.

"Miss me that much?" She teased before hugging me back.

"Hindi mo sinabi na pupunta ka." Sabi ko sabay hiwalay sa yakap.

"It wouldn't be a surprise kapag sinabi ko." Tumango naman ako kasi tama naman siya.

"Are you free? I would like to claim my ticket for that second date with you."

"Pumayag ba ako na may second date?" Pang-aasar kong tanong.

"Ayy hindi ba? Wait, check ko lang yung mga convo natin tapos tignan natin kung sino yung mas clingy satin." Gatong niyang asar sabay labas ng cellphone niya.

Namula naman ako bigla. Pinigilan ko siyang magbackread ng convo namin sa pamamagitan ng pagkuha ng cellphone niya.

"Hey!" Sinusubukan niyang kunin sakin yung cellphone niya pero mabilis akong lumayo sa kanya.

"Wag mong buksan yung phone ko." Kinakabahan niyang sabi. Napahinto naman ako sa pagtakbo and seryosong tumingin sa kanya.

Biglang nagflashback sakin yung second ex ko. He doesn't want me to check his phone. Alam kong privacy niya yun pero ni minsan hindi ko nahawakan yung phone niya. Sinisigawan niya ako or inaaway kapag tinatanong ko siya kung bakit ayaw niyang pahiram yung phone niya.

Napansin niya siguro yung pananahimik ko kasi mabilis siyang lumapit sakin. Matamlay kong inabot sa kanya yung phone niya and akmang aalis ako when she suddenly hold my wrist to stop me from walking.

"Is not what you think." Sabi niya pero nanatili lang akong tahimik. "Ayokong tignan mo yung phone ko kasi nahihiya ako. I mean, proud naman ako kung ano makikita mo dyan it just that, wala akong permission from you." This time, kunot-noo akong tumingin sa kanya.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon