Macolet

2.5K 76 4
                                    

Author's note

Just a heads up, medyo mahaba-haba tong one shot na to.

-------------------------------------------------------------------------------

"Two weeks, give me 2 weeks and I'll prove that I can make any girl you pick to be the prom queen."

Yan yung sinabi ko sa mga tropa ko kasi kanina pa ako kinukulit. Malapit na kasi yung prom and my girlfriend and I broke up which is not a mutual decision. I dumped her after one week of being together.

Since malapit na yung prom night, wala pa akong partner pero yung recent ex ko, meron na agad kaya itong mga kaibigan ko ay inaasar ako na wala na akong charm.

"Any girl? Sure yan. 10 thousands kapag hindi mo nagawa." Sabi ni Mikha.

"You guys are tolerating her alam nyo ba yun?" Sabi ni Gwen habang gamit yung cellphone nya. "Dami na nyang iniwan and pinaiyak tapos gagatungan nyo pa ng pustahan." She added then glance at us.

"Wag kang mag-alala Gwenny, hahanapan namin to ng babaeng magpapatino sa kanya. Kala kasi nitong si Colet lahat ng babae kaya nya eh." Sagot ni Jhoana sabay akbay sakin.

Tinanggal ko naman yung kamay nya sakin. Nandito kami ngayon sa cafeteria, ako kumakain habang sila ay naghahanap ng babae na irereto sakin.

"I found the right one na." Sabi ni Mikha. Tumingin kami lahat sa kanya sabay turo sa babaeng nakita nya.

"Si Maloi? Sure ka?" Tanong ko. Kilala ko si Maloi, actually everyone knows Maloi cause she's the vice president of the student body.

"Bakit? Hindi mo kaya? Wala ka pala eh. Taob ka kay vice." Panghahamon ni Mikha.

"10k you said? Ready mo na yan. I'll win this bet." Sagot ko full of confidence.

First Day

Pumunta ako sa library kung saan lagi nandun si Maloi. Base sa mga naririnig ko, mahilig syang tumambay dito para mag-aral which is pretty boring.

I found her, standing in front of a bookshelf while reading a book. I won't deny na maganda sya. Sobrang ayos ng uniform nya at wala kahit konting gusot. Bumagay pa sa kanya yung cute nyang salamin.

I gather all my courage to approach her. "Hi." Bati ko that makes her look at me. I smiled at her pero tinititigan nya lang ako na para bang nagtataka siya kung bakit ko sya binati.

"Hello." Simple nyang sagot sabay balik ng libro sa bookshelf then umalis na. Para naman akong tuod na hindi makagalaw. Pinanood ko lang syang umalis at makalabas ng library.

The hell?!

Second Day

Hindi umubra yung plano kong kausapin sya kahapon so I decided na ipagtanong tanong kung ano number nya which to my luck, merong nakakaalam.

I texted her as soon na makuha ko yung number nya.

Me:Hi, is this Maloi's number?

Hinintay ko ng ilang minuto yung reply nya kaso wala. Grabe naman tong taong to. Hirap sabayan.

Maloi: Yes. Sino to? How did you get my number?

For some reason, kumabog ng konti yung puso ko and napangiti ako sa reply nya.

Me: Si Colet to, if you know me. I asked for your number and someone gave it to me.

Maloi: Why?

Me: Gusto ko lang sana itanong if meron ka nang date sa prom?

Ilang minutes yung dumaan before she replied.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon