Nagmamadali akong lumakad papunta sa classroom ni Jho. Sobrang daming tao sa hallway kasi today is the school foundation day.
Jhoana is my best friend who happens to be my crush. Yes, opo, tama po, I like my best friend in a romantic way.
Hindi ko alam kung kailan ko sya nagustuhan, all I know is, naiinis ako kapag may nagkakagusto sa kanya. Naiinis ako kapag may mga nagbibigay sa kanya ng kung ano ano, kapag masaya sya sa iba.
Syempre, hindi alam ni Jho na gusto ko sya.
Nung makarating ako sa classroom nila, nakita ko syang natutulog sa may upuan nya. Nilapitan ko sya agad sabay gising sa kanya.
"Jho.. Jhoana.."
Unti-unti nyang dinilat yung mga mata nya and umupo ng deretso. "What?" She groggily asked.
"Let's get married." Sabi ko na ikinabigla nya.
"Ginising mo ako para ayain akong magpakasal?" Takang tanong nya.
"Ihhh.. dali na Jho. Help your best friend. Ang dami mong admirers na binubulabog ako."
"Ayoko. Bahala ka dyan." Sabi nya sabay balik sa tulog. Pinilit ko pa sya ng ilang beses pero ayaw nya talaga. Wala akong nagawa kundi umalis na may sama ng loob.
********
Medyo dumidilim na ang paligid and halos patapos na rin yung mismong event. May mga nagsisi-uwian na and yung iba, tumambay pa school waiting for the fireworks display. Umalis na yung mga friends ko but I stayed because need ko tumulong sa pagligpit ng booth namin.
Habang nagpupulot ako ng mga kalat, may narinig akong tumawag sakin. "Hi Staku." Napalingon ako kung sino and hindi ako sumagot ng malaman kong si Jhoana lang pala.
Bahala sya dyan.
"Galit ka?" Tanong nya pero dedma parin ako.
"Ice cream tayo?" Napahinto ako sa ginagawa ko and tumingin sa kanya. She's smiling like an idiot pero ang attractive pa din.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Pagtataray ko.
"Hinihintay ka."
"At bakit? Umuwi ka na. Kaya ko naman sarili ko. Wala ka ngang pake sakin diba?" Tumawa lang sya sa pagtatampo ko.
Bwiset talaga to!
"C'mon, wag ka na magtampo." Sinubukan nya akong hawakan sa kamay pero mabilis ko din iniwas.
Hindi ako marupok pero konting suyo pa Jhoana Robles, bibigay na ako.
"Is this about that marriage thingy? Sorry na. Hindi pa kita kayang panindigan pag kinasal tayo. Kailangan asensado na ako bago kita pakasalan."
Bigla naman akong kinilig sa sinabi nya pero hindi ko pinahalata.
"OA ahh.. joke joke lang naman yun pero ang serious ng dahilan mo."
"Exactly, joke lang yung marriage booth na yun so ayaw ko pakasalan ka dun." Tuluyan na syang nakalapit sakin sabay hawak ng kamay ko.
"Kain tayo ice cream, my dear. Libre ko na." Sabi nya sabay hatak sakin. Sakto naman yung mga pagputok ng fireworks sa paglakas ng pintig ng puso ko.
*******
"Let's make a deal, if none of us is in a relationship after we graduated college, let's get married." Sabi ni Jho sabay kain ng ice cream nya.
Tumingin ako sa kanya, studying wether she's being serious or not. Base on her expression, she's serious.
"Deal." Sagot ko.
*******
5 years later
"Let's get married."
Nandito kami ngayon sa beach house nila Mikha. We've graduated from college so we decided na dito magcelebrate together with our friends.
I'm here at the shoreline watching the beautiful ocean, feeling the cold breeze touching my skin.
Napatingin ako dun sa nagsalita. Unti-unting bumagsak yung luha sa mga mata watching the scene.
She's on her knee, proposing to the girl she's been in love since college. I watched how their love blooms. How happy she is whenever she's talking about her. How she always includes me, ask me how should their dates will go. Ako yung nandyan kapag may away sila and I'm one of the people who always comforts her.
"Yes!" Mas lalong bumilis yung pagpatak ng luha nung makitang kong magyakap sila. Kita ko sa mga mata nila kung gano sila kasaya and kung gano nila kamahal ang isa't-isa.
"Umiiyak ka ba?" Tanong ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya sabay punas ng luha ko.
"Hindi no.." pagtanggi ko sabay lakad palayo sa kanya.
"Umiiyak ka nga! Staku wait!" Nahawakan nya yung kamay ko kaya napatigil ako sa paglalakad at hinarap sya.
"Bakit ka umiiyak? Don't tell me nagseselos ka sa kanila?"
"Hindi no!" Pagtataray ko.
"Dapat lang. Moment yun nila ate Aiah and Mikha tapos kung makaiyak ka wagas." Sabi ni Jhoana.
"Ano bang pake mo? Eh nandun ako sa journey ng love life nila eh kaya damang dama ko.. bawal ba maging emotional?"
Tinawanan lang ako ni Jhoana sabay punas nya sa natirang luha sa mata at pisngi ko.
Hinatak ako ni Jho papunta sa kanya kaya ngayon, magkayakap na kami.
"Next time na proposal ko sayo. Inunahan ako ni Mikha eh." Jhoana whispered to my ears.
"Huh?"
She pulled from the hug and caress my face gently.
"I've waited for so long Stacey. Remember nung senior year natin? I told you na pakakasalan kita if ever na single tayo parehas? The main reason kung bakit hindi ako nagka-jowa during college days natin is because I promised to myself na ikaw lang dapat ang pakakasalan ko. I love you Stacey high school pa lang. I won't marry you sa fake marriage booth kasi gusto ko totohanan yung kasal natin kasama yung family natin and yung mga kaibigan natin."
She kissed my forehead after stating those words and ako naman, parang statue. Hindi ko alam yung sasabihin ko.
"Yes." I mumbled that makes her look at me confusingly.
"What?"
"I said Yes. I will marry you anytime and anywhere Jho. I love you since highschool pa."