I slowly open my eyes when I heard a knock on my door. Hinahanap ko yung lakas ko para bumangon mula sa kama ko pero hindi ko magawa.
I've been sick for two days na pero hindi parin ako gumagaling. Nakakulong lang ako sa kuwarto ko and natutulog. Wala pa akong matinong kain at hindi parin ako nakakapagpalit ng damit dahil wala akong lakas para kumilos.
"I'm coming in." Rinig kong banggit mula sa pintuan. Nakatingin lang ako sa may pintuan ng kuwarto ko para malaman ko kung sino yung bisita ko.
"Kaya pala wala kang paramdam. May sakit ka." Sabi ni Maloi. Lumapit siya sakin at pinatong ang kamay niya sa noo ko.
"Grabeng init mo. Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot? Nagpalit ka ba ng damit?" Tuloy-tuloy niyang tanong.
Tanging iling lang ang naging tugon ko dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. She's about to leave pero I gather strength to hold her hand and stop her from leaving.
Tumingin siya sakin na may halong pagtataka at pag-aalala. I stared at her softly and I can feel na iiyak ako because of how vulnerable I am right now.
"Maghahanda lang ako ng pagkain and ng gamot mo." She explained. Hindi ko parin binibitiwan ang kamay niya. Tuluyan na rin akong umiyak.
Umupo siya sa tabi ko at pinunasan niya yung mga luha ko. "I'm not leaving you Colet. Dito lang ako hanggang sa gumaling ka. You have to let me do what I can do to help you recover." I let her hand go so she goes outside of my room.
Colet? Not langga? Not uyab?
Mas lalo akong naiyak pero hindi ko pinarinig sa kaniya.
Flashback
"Loi, please. Talk to me." Pagmamakaawa ko sa kaniya habang hinahabol ko siya.
"I'm tired Colet. Hayaan mo muna ako." Sabi niya habang patuloy parin sa paglalakad.
Alam kong galit siya sakin pero hindi ko alam kung bakit kailangan niya akong bigyan ng cold treatment at hindi pansinin for three days straight.
Buti na lang at naabutan ko siya pauwi sa condo niya. Simula nung nagtalo kami, lagi ko siyang inaabangan pero ngayon lang nasakto at nakita ko siya.
"Binigyan na kita ng three days. Gaano pa ba kita katagal hahayaan?" Halos naiinis kong sabi. I have the right to know what causes her to ignore me.
Napatigil siya sa paglalakad and tumingin sakin. She looked offended and angry. "Are you kidding me? Bakit parang kasalanan ang humingi ng space sayo?"
"At least I need to know bakit ka biglang hindi namamansin?" Katuwiran ko.
"Hindi mo parin alam? Ganyan ka ba kamanhid para hindi mo maintindihan kung bakit ako lumalayo sayo?" She angrily stated.
I tried to think of any possible reasons she might have. "Is it about the reunion with my college friends? Wala naman akong ginawang mali dun ah? Dinala pa nga kita doon." Sabi ko.
"Mahal mo ba talaga ako Colet?" Rinig ko sa boses niya yung sakit at pagdududa.
Napakunot naman ako ng noo. "Anong klaseng tanong yan? Of course mahal kita."
"I don't think so." She deadpanned then a tear fell from her eyes. It breaks my heart seeing her like this.
"Explain it to me langga. Ayokong ganito tayo." Mahinahon kong sabi.