Macolet P.2

1K 38 6
                                    

"Loi! Be careful!" Malakas kong sabi. Nandito kami ngayon sa isang amusement park. We've decided na magdate after almost a month na nagstay lang kami sa bahay.

When she had her accident, halos hindi ako nakatulog. Hindi ako makapagfocus sa trabaho ko. Hindi ko naman gusto uminom ng alak because I promised her na hindi na ulit ako iinom. She hates the smell of alcohol.

She runs towards me like a happy child and took my hand. She dragged me with her sa isang booth kung saan may nagtitinda ng mga souvenirs.

"Try this." Sabi niya sabay suot sakin ng bunny ears headband. I don't like cute stuff pero hindi ko magawang umayaw sa kanya.

Sinubukan kong tanggalin ng bigla siyang tumingin sakin ng masama. Hindi ko na lang tinuloy. Nagsuot naman siya ng panda plush hat.

"Am I cute?" She said then show her puppy eyes.

"Of course you are." Simpleng sagot ko. Pinipigilan ko yung sarili kong ngumiti because of how cute and adorable she looks right now.

"Palitan natin yung iyo." Sabi niya sabay tanggal ng headband. Sinuot niya sakin yung wolf plush hat. Ayokong isuot kasi sobrang pangcute and soft ng itsura. Bagay siya sa mga bata pero wala akong nagawa kasi sinuot niya na.

"Uyab, no" I whined pero pinandilatan niya lang ako ng mata. Napatingin ako sa mga tao sa paligid namin at nakikita kong nakatingin sila samin at nakangiti.

"C'mon, pay for it na. Tapos sakay tayo ferris wheel." Pumunta na ako sa counter and iniwan si Maloi kasi nagtitingin pa siya ng ibang bagay.

Naghihintay ako sa linya when I heard people behind me talking. "Beh, ang poganda nung nasa harapan natin. Ang cute din ng suot niyang hat."

Hindi ko sila pinansin. "Kausapin kaya natin?" Rinig kong sabi nung nasa likod ko.

It's my turn sa counter and yung cashier tumingin sakin na OA yung ngiti. "You look cute." She said in flirtatious way.

"Syempre cute talaga asawa ko." Napatingin ako sa gilid ko and nakita ko si Maloi sa tabi ko. She snake her arms to mine and tumitig ng masama sa cashier.

"This hat and her hat." Turo ko then abot ng credit card ko. Si Maloi naman ay hindi parin inaalis yung tingin niyang masama sa cashier. Binalik na sakin nung cashier yung card ko with the receipt.

Para yatang walang balak si Maloi na alisin yung tingin niya dun sa babae kaya nilagay ko yung kamay ko sa mata niya. Niyakap ko siya patalikod sabay alalay sa kaniya palabas.

Tinanggal niya yung kamay ko sa mata niya at tumingin sakin ng masama. "Kung nakamamatay lang yang tingin mo uyab, siguro patay na ako kanina pa." Pabirong kong sabi.

"Wag mo akong mauyab-uyab diyan. Bakit hinahayaan mong landiin ka ng mga yun?" Masungit niyang sabi.

"Ha? Hindi naman nila ako nilalandi ah." Napakamot ako ng ulo kasi hindi ko alam san niya nakuha yung idea na yun. "Tsaka if they're flirting with me, hindi ko naman sila gusto. Wala na nga sakin yung puso ko kasi na sayo na."

Nakita kong may lumabas na ngiti sa mga labi niya. Narealize niya ata na dapat galit siya because she suddenly cleared her throat and nagseryoso.

"Ewan ko sayo. Tara na nga." Nauna na siyang maglakad sakin. Natawa na lang ako sa kanya and sinundan siya. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ko yung kamay niya.

"I love you." Masaya kong sabi. Hindi parin siya tumitingin sakin and seryoso parin siya. Hindi ako mahilig sa grand gesture. I want to keep everything in much nonchalant way pero pagdating sa kanya, lagi akong tablado. May mga bagay akong hindi ko alam na kaya ko pa lang gawin.

Bini AU Oneshots CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon