Chapter 08

2.3K 203 17
                                    

A/N: Sa lahat ng mga magkakaibigan, yong character ni Wendy ang pinaka-challenging para sa akin na isulat. Pero kagaya din ng mga kaibigan niya, I enjoyed writing her story.

PS: VOTE FIRST BEFORE READING PARA DI MAKALIMUTAN. CAN YOU PLEASE GIVE 100 VOTES FOR THIS CHAPTER. THEN LEAVE A COMMENT ALSO.  🤍🩶🖤


°•°•●•°•°




Italia Gwen Soler

📍Café Syudad

Six-thirty in the evening. Pagkatapos ng trabaho, dumiretso ako rito sa café ng kaibigan kong si Pure dahil balak kong magpaturo kung paano gumawa ng masarap na kape. Pagpasok ko dito sa loob may mga customers na nagkakape, habang nakaharap sa kani-kanilang mga laptop at cellphones.

Naabutan ko si Pure na tumutulong sa pagse-serve ng mga kape, merong hot at meron ding cold coffee sa tray na hawak niya. Hindi gaanong malaki ang café niya, but it had sixteen tables for two.

She was expecting me, kaya nginitian lang niya ako pagdating ko. Nagpunta ako rito sa counter at tinignan ang mga pastries na nakadisplay sa glass case. Mukhang masasarap at bagong gawa pero hindi muna ako pumili, bahala na si Pure na magsuggest ng kakainin at iinumin ko mamaya.

Tumayo ako rito sa loob ng counter habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa niya, tulala akong nakatitig sa main door. Hanggang ngayon inaalala ko pa rin yong mga pangyayari sa loob ng condo unit ni Wendy. Ibang-iba siya, she was laughing habang kausap ang kanyang kapatid na si Jillian. Pero ang mas nakakatawa, malambing siya kapag kausap yong pamangkin niya, she almost baby-talking.

"Hoy, Italia. Siraulo ka na. Ngumingiti ka mag-isa diyan." si Pure.

Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang lingunin ko siya.

"Alam mo bang narinig ko na kung paano makipag usap si Wendy sa kapatid at pamangkin niya? It was funny because she didn't seem like the boss I knew. She was laughing, and that was ridiculous." natatawang saad ko sa kanya. "Pero nakakainis dahil narinig kong sinabi niya kay Jillian na hindi ako marunong gumawa ng masarap na kape, baka daw mapait ang buhay ko."

Si Pure naman ang natatawa ngayon. "Maghihiganti ka ba talaga kay Wendy? Bakit parang hindi iyon ang sinasabi ng mga mata mo?" May ibig sabihin ang mga titig sa akin ng kaibigan ko. Parang nagtataka siya sa nakikita niya sa akin.

"What do you mean?"

"Parang ang nakikita ko, mas gusto mong makipag-kaibigan sa kanya kesa maghiganti."

"Of course, I need to gain her trust first para magawa ko yong plano ko." Pangungumbinsi ko sa kanya. Si Pure ang klase ng tao na hindi madaling ma-convince.

"Hay, naku Italia. Matigas yang ulo mo. Halika na, turuan kitang magtimpla ng kape." Sumunod ako sa kanya dito sa kusina. Kinuha niya ang ketle na may lamang mainit na tubig, naglagay siya ng tubig sa tasa saka niya nilagyan ng kape, creamer at asukal.

"Nang-iinis ka ba, Pure?" Tinitigan ko siya ng masama. "Kahit sino alam yang ginawa mo. Ang ituro mo sa akin yong sekreto ng masarap na kape."

"Wala, okay?!" sagot niya saka hinigop ang ginawa niyang kape. "Everyone has different tastes. No matter how good you are sa pagtimpla ng kape, if it doesn't suit her taste, she won't drink it. You should ask her specifically what flavor she likes, sweet or strong. The way you described Wendy to me, parang mas madali pang manalo sa lotto kesa sa intindihin yong ugali niya."

Mukhang ayaw lang niya akong turuan. Imposibleng walang sekreto sa pag-gawa ng kape. But she had a point, I didn't know if Wendy preferred sweet or strong coffee. It's like I'm having a hard time figuring out someone's preference for the first time. I mean, sa tagal na nakikisama ako sa mga tao sa paligid ko it's easy for me to get their attention, even their favorite foods and drinks I can find out in just a few minutes of conversation.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon