Chapter 28

2K 115 20
                                    

Italia Gwen Soler

"Anak, tumatawag si Pure."

Dahan dahang akong napamulat nang marinig ko ang boses ni Mom. Ang sakit ng ulo ko. Kinuha ko ang phone niya saka kinausap ang kaibigan ko. "What is it, Pure?" Napapapikit pa ako.

["Italia, kanina pa kita tinatawagan kaso hindi ka sumasagot, so I called your mom para gisingin ka. Nandito sa bahay ko si Wendy, gaga hinahanap ka!"]

"Who?" I asked again.

["Si Wendy nandito sa bahay ko! Ito palang address ko ang nilagay mo sa profile mo nang hindi ko alam. Gaga ka talaga kahit kailan!"]

"Oh my gosh! Wendy is there?" Ngayon lang nagsink in sa utak ko ang mga sinasabi ni Pure.

["Yeah, she's here at napagalitan ako dahil pinabayaan daw kita. I think she's worried about you, kitang-kita ko sa mga mata niya at tono ng boses niya."]

"Oh, Pure, kilala kita kaya huwag mo akong pinagloloko! Wendy wouldn't worry about me. She might even scold me dahil hindi ako nakapasok. Wait! Pupunta ako diyan!"

Napatingin ako sa orasan! 10AM?! Napabangon ako at ibinalik kay mom ang phone niya. Kahit masakit ang ulo ko, nahihilo at nasusuka dahil naparami ako ng inom kagabi pinilit kong maligo at magtoothbrush. Nagbihis ako at mabilis na tumawag ng taxi. I couldn't drive with such a headache.

Gaga talaga kasi si Pure, nilasing ako kagabi dahil aliw na aliw siya sa mga kwento ko tungkol kay Wendy. Parang puputok ang ulo ko sa sakit.

"Diyan na lang sa tabi, Manong." saad ko.

Pagdating ko rito sa tapat ng bahay ni Pure sinalubong niya agad ako dito sa may gate.

"Kanina pa ba siya rito?"

"Oo, mukhang naiinip na nga."

"Okay, kakausapin ko muna." Inayos ko muna ang buhok ko saka ako pumasok dito sa sala. Naroon si Wendy, nakaupo sa sofa.

"Wendy, I'm sorry." bungad ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin. Tumayo siya saka niya ako nilapitan. "You okay?" Hinaplos niya ang buhok ko kaya napakunot-noo ako, ang inaasahan ko kasi pagagalitan niya ako.

O baka bumibwelo lang siya, so I acted normal. "No. Masakit ang ulo ko kaya hindi ako nakapasok."

"Hang-over?"

Paano niya nalaman? Napatingin ako kay Pure, gaga talaga! Sinabi niyang naglasing ako. Buti hindi pa ako nagdahilan ng iba gaya ng dysmenorrhea. Pinanlakihan ko ng mata ang kaibigan ko, agad siyang umiwas.

"Yeah, I had a few drinks with Pure last night."

"That's not what she said, she said you were very drunk last night, where did you sleep?"

Kung katabi ko lang tong si Pure  nasabunutan ko na siya! Ang daldal, gaga talaga!

"Sa hotel ako natulog."

"Hotel?" Nakakunot noo siya.

"Yeah, maingay kasi si Pure. Nag-uwi siya ng lalake kagabi kaya hindi ako umuwi rito."

"Italia, hindi yan totoo!" sigaw ni Pure.

Mukhang nahihilo na si Wendy sa aming dalawa.

"Umupo ka muna rito." Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako pinaupo. She's gentle, parang may pag-aalaga ang paghawak niya sa akin. "So, you live here?"

Nagkatinginan kami ni Pure. "Ah, yeah." saad ko.

"Hindi pa ba uuwi ang mga magulang mo rito?"

"No, nasa province kasi sila kaya dito ako naka-stay ngayon."

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon