Italia Gwen Soler
📍 Café Syudad
Lumapit ako kay Pure.
"Si Wendy ba yon?" tanong niya.
"Oo, nagdinner kami tapos nagpahatid ako sa kanya rito." Pumasok kami rito sa kusina. Umupo ako na para bang pagod na pagod ang pakiramdam ko. Nakatitig lang ako sa isang direksyon, nasa tabi ko naman ang kaibigan ko at alam kong pinagmamasdan niya ako.
"Kumusta pala kayo ni Wendy? Kagabi nandito siya, hinahanap ka."
"Nagkita kami, nahanap niya ako sa bar ng kaibigan niya."
"Okay ka lang ba?"
Umiling ako. "I didn't listen to you, Pure. I thought I could handle it, I thought I could avoid falling for her. Ngayon, mahal ko na siya." Huminga ako nang malalim dahil para akong maiiyak.
Natahimik siya, hanggang sa hinawakan niya ang likod ko at hinaplos ito."I knew this would happen, Italia. I know you easily fall in love. Pero hindi iyon ang ikinakatakot ko."
I looked at her. Gusto kong malaman ang nasa isip niya.
"What if maging kayo ni Wendy, paano mo siya ipapakilala sa lahat kung siya ang dahilan ng pag-suicide ng kuya mo. Handa ka bang masaktan siya? And I'm sure you'll get hurt too."
Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya. Ako naman itong natahimik. Ni hindi iyon pumasok sa isip ko dahil hindi ko naman inakalang mahuhulog ako ng ganito kalalim.
"Kahit pilitin ko ang sarili ko na layuan siya. I can't. Kahit nasasaktan ako, sa kanya pa rin ako nakakaramdam ng konting saya kapag nakikita ko siya."
"Hindi ako tutol na mahalin mo siya, alam mo yan. Pero kaya mo ba siyang ipaglaban kapag minahal ka din niya?"
I nodded. "Kaya ko." Matapang kong sagot.
"Alam ba niyang mahal mo siya?"
"When I told her I wanted to be her girlfriend, may feelings na ako para sa kanya noon. I was just in denial, but deep inside, I already felt something different for her."
Hinahagod ni Pure ang likod ko. Tumayo siya para bigyan niya ako ng maiinom. Ipinagtimpla niya ako ng ice cold coffee pero imbis na inumin ko ang laman nito kinuha ko ang straw at nginatngat ang dulo nito.
"Hintayin mo ako, dumadami ang mga tao sa lobby, tutulong lang ako sa mga staff."
Tumango ako. Humilig ako rito sa table habang nakaunan ang ulo ko sa kamay ko. Tinititigan ko ang inuming nasa harapan ko. Ilang araw na akong walang gana.
Hindi ko kakayaning bumalik ng Australia kapag ganito ang pakiramdam ko. Iyon lang kasi ang naiisip kong paraan para takasan ang sitwasyon ko ngayon.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Inalala ko ang mga namagitan sa amin ni Wendy. Ang mga halik niya, ang mga haplos niya, lahat ng iyon ay parang may ibig sabihin. Hindi man pag-ibig, I know there's something in her kiss and touch. If she doesn't like me, why does she kiss me so deeply?
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.