Italia Gwen Soler
"Italia."
Nagulat ako nang magsalita si Wendy sa labas ng pintuan. Agad akong umupo dito sa gilid ng kama.
"Pure, I'll hang up. Bye!" Pinatay ko na ang call.
Pumasok si Wendy dito sa loob. "Kumain ka muna, steak yong niluto ko at steamed vegetables."
Ayoko sanang magsalita pero may part sa pagkatao ko na pinipilit akong magsalita.
"How about you?"
"Mauna ka na. Hihiga lang ako. I don't know if Pam will go here tonight. May mga bisita kasi siya sa bahay nila. Sige na, huwag mo nang hintayin na lumamig yong pagkain."
"Okay." Lumabas ako ng kwarto. Nagpunta ako rito sa kusina para kumain. Mainit pa ang mga nakahandang ulam. Tinititigan ko lamang ang mga ito.
"If you don't like it. Pwede kang magbukas ng delata, nasa ibabaw ng ref." si Wendy. Akala ko matutulog siya. Umupo siya sa sofa, hawak niya ang gitara.
"It's okay." saad ko. I took a bite of the steak. I have to admit, it's delicious-----sobrang lambot ng karne. I even tried the steamed vegetables, and they were good too.
Bigla na lang kumulo ng malakas 'tong tiyan ko, hindi ko inaasahang maririnig niya ito. Napatingin siya sa akin.
"Sorry." saad ko. Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang gutom, siguro dahil sa pag-iyak ko kanina.
"You should eat, Italia. Isantabi mo muna ang galit mo sa akin. Don't worry pagbalik natin ng Manila, I will treat you like the others... like a regular employee."
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Alam niya kung paano sagiin ang damdamin ko, and it hurts na marinig iyon mula sa kanya.
"And I won't invite you here next time so you won't eat frogs again."
"Then don't." sagot ko.
"You don't belong here. Mas bagay ka sa syudad."
Patuloy niya akong iniinis.
"And who are you to say that? Just because I don't like eating exotic food doesn't mean I don't belong in a place like this!" I said. Her words affected me, kaya ganito ako mag-react.
"Para kang si Jillian. Ayaw non ng mga nahuhuling crab sa bukid, malilit kasi at ang sama daw ng lasa. Ayaw din niya ng bilo-bilo. Nong una ko siyang makita, I think she's 18 or 19 years old. Pumunta siya rito sa bahay, hinanap kasi niya ako. I remembered hindi siya marunong manghuli ng manok, puro siya reklamo. She doesn't even know kung paano magligpit ng hinigaan niya, sisipain lang niya yong foam pailalim sa kama. Lumaki kasi siya sa syudad with dozen of maids. She has everything in life."
I became interested in her story, kaya hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya habang nagku-kwento siya.
"Hindi kami magkasundo nong una dahil ayokong mapalapit sa kanya. But she's trying very hard na makuha ang loob ko. My heart is tough, but when I saw her crying nasaktan din ako. That's when I realized kailangan niya ako. Masarap din pala magkaroon ng kapatid, kahit magkaibang-magkaiba kami ng ugali nagawa naming maging malapit sa isa't-isa."
Habang nagsasalita siya naalala ko na naman ang kapatid ko. Pero ang pinagkaiba ngayon hindi umatake yong galit sa puso ko. I was listening to her na para bang nai-excite ako sa bawat kwentong bibitawan niya.
"I grew up here sa gitna ng bukid mag-isa, kasama ang mga hayop sa paligid, ang grandparents ko ay nasa ibang baryo noon pero sila ang nagsilbing gabay ko sa paglaki. Nasanay ako sa hirap ng buhay, that's why I didn't complain about what was on the dining table."
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.