Special Chapter 04

1.6K 122 112
                                    


Italia Gwen Soler

📍Resort

Habang nakaupo ako rito lumapit si Wendy. Pagtingala ko, yumuko siya saka niya hinalikan ang noo ko.  "You're behaving like a child, Italia, good girl." saad niya.

Bago pa siya umayos ng tayo, hinawakan ko yong batok niya kinabig ko siya, then I kissed her lips.

Napangiti siya, halatang hindi niya inaasahan. "You're lucky I love you, Italia. Otherwise, I'd be scolding you right now." She playfully shakes her head.

Nahuli kasi kami ng iba, nakatingin sila sa amin. Sinubukan ko lang na halikan siya para malaman ko kung anong magiging reaksyon niya.

"Eww, PDA!" Masuka-sukang saad ni Jean. Sobrang nakakatawa yong expression niya. "Wendy, you're so gross!"

"Mind your own business, Jean." sagot ni Wendy. Ibinalik niya ang atensyon sa akin, she winks.

Lihim akong napangiti sa gesture na iyon ni Wendy, tumalbog tuloy ang puso ko. Oh god, I'm so in love with her. Halos ayaw kong bitawan yong kamay niya nang magpaalam siya ulit na kailangan niyang maghanap ng maayos na mic. No choice ako kundi bitawan siya, lumapit na kasi yong mga bata sa kanya para mangulit dahil gusto na nilang kumanta.

Nang umalis si Wendy, lumapit naman sa akin si Frances. May hawak siyang mocktail drink, inabutan niya ako. "Okay ka lang ba rito, Italia?"

"Yeah, I'm fine." kinuha ko ang mocktail drink na inabot niya. "Thank you." Sabay kaming uminom.

Lumapit din si Atasha sa amin. "I miss you, Italia. Matagal din tayong hindi nakapag-chikahan."

"Namiss ko rin kayong dalawa." saad ko. Sila yong una kong naging ka-close sa mga magkakaibigan dahil nagkasama na kami noon sa condo unit ni Wendy at pati sa Palawan. Nagkwentuhan kaming tatlo, wala akong ibang masabi kundi palagay ang loob ko sa mga taong ito.

Palapit din sa amin si Jo. Sa unang tingin mapagkakamalang siyang snob, pero paglapit niya sa amin ngumiti siya. "Hi Italia, mabuti naman sa wakas naipakilala ka na sa amin ni Wendy. By the way, huwag mo seryosohin ang mga sinasabi si Jean, ganon lang yong taong 'yon---------arghhhh!"

Biglang sumulpot si Jean, sinakal nito si Jo. "Anong ganon lang ako, ha?!"

"Jean, bitawan mo ako." Si Jo. Nasa likod niya si Jean, sinasakal siya. Kawawang Jo. Oh my god!

"Magsitigil nga kayo!" Si Yana, buti dumating siya. Pinaghiwalay niya yong dalawa. "Para kayong mga bata."

"Bwisit ka talaga, Jean! Muntik akong malagutan ng hininga." Reklamo ni Jo. Natigil sila dahil kay Yana.

Si Frances at Atasha, natatawa lang na para bang sanay na silang makita ang mga kaibigan nila na nag-aasaran.

Nang lumapit sa amin si Jill, inakbayan agad siya ni Jean saka sila humarap sa akin na dalawa. "I hope you're enjoying, Italia. And you are very much welcome sa pamilyang ito." si Jill. 

"Pinapasayaw ang sumasali sa grupo namin. Sayaw ka ng pearly shell bago ka maging parte ng barkadang 'to." si Jean.

Seryoso ba siya?

Binatukan siya ni Jill. "Puro ka kalokohan. Baka matakot sa atin si Italia."

"Dapat lang siyang matakot sa atin." si Jean. Nakita niyang dumaan si Perel, napunta sa taong iyon ang atensyon niya. "Hoy, Perel! Halika nga rito."

Lumapit ito. "Oh bakit, Jean?"

"We're not friends yet. And then there's another ugly one like you." Sinulyapan ako ni Jean.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon