Chapter 20

2.1K 119 15
                                    

Italia Gwen Soler

Ngayong araw papasok na si Wendy sa office. Naghanap ako ng slightly above the knee dress na pwede kong patungan ng coat. Olive green ang napili kong kulay ng dress, isinuot ko na.

Umupo ako dito sa harapan ng salamain habang naglalagay ng light make up sa mukha ko. Nagsuot ako ng gold earings na babagay sa suot ko. Tiningnan ko maigi ang sarili ko sa salamin. Mas okay ba kung nakatali ang buhok ko o nakalugay? Nilugay ko na lang. Naglagay din ako ng manipis na bracelet sa kamay ko.

"Anak, kanina ka pa ata nagpapaganda sa harapan ng salamin." si Mommy. Pinapanood pala niya ako. Hindi ko napansin na pumasok siya dito sa kwarto ko.

"Hindi naman po, mom."

"Kanina mo pa kasi tinitingnan ang sarili mo sa salamin. Sino ba yang maswerteng lalake na pinapagandahan mo?"

Natawa ako sa sinabi ng mommy ko. "No one. I'm just going to work."

"I don't believe you, Italia. Kahit matagal kang hindi nag-stay rito sa Pilipinas. Alam ko kung kelan ka nagpapaganda para mapansin ka ng crush mo."

"Mom, stop it! I don't have a crush." Tawang tawa talaga ako. Pareho sila ni Pure na laging napapansin ang mga kilos ko.

"Guapo ba yan?" nakangiting tanong niya.

Hindi ko tuloy mailagay-lagay itong kwintas sa leeg ko. "Uhm..." imbis na sumagot ako natatawa talaga ako. Hindi ko alam ang isasagot.

"Siguro mabait ang lalakeng iyan. Iba kasi ang mga ngiti mo, anak."

"Mom, gusto ko lang maging presentable kapag pumasok ako sa office. Para naman maging maganda ako sa paningin ng mga katrabaho ko, di ba?"

Nilapitan ako ni Mom, hinawakan niya ang mga braso ko, nakatingala siya sa akin dahil mas matangkad ako sa kanya.

Nakangiti pero parang naiiyak ang mga mata niyang pinagmamasdan ako. "Anak, you are very professional in facing people. And I'm happy you're enjoying your stay here in the Philippines, at nakikita kong masaya ka sa trabaho mo."

Mom is very loving person. At mukhang kaligayahan niya na makita akong nag-i-enjoy sa mga ginagawa ko.

"You know what mom, I learned to love my job. Kahit naman saan ako magpunta madali akong maka-adapt sa environment ko. Kaya huwag niyo akong alalahanin ni Dad, okay?"

Tumango siya. "Sige, pero ipakilala mo muna sa amin yang natitipuhan mo bago mo sagutin, ha?"

Hindi ko maitago ang ngiti ko sa kanya. Kahit sabihin kong wala akong pinapagandahan, ayaw niyang maniwala sa akin. "Mom, I have to go. Baka ma-late ako. Bye!"

Hanggang dito sa loob ng sasakyan natatawa ako. Ang mommy ko talaga.


DUMATING ako rito sa office twenty minutes before eight AM. Hindi pa ako nakakaupo nang dumating din si Wendy. She's early. Did she miss her office?

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makapasok siya sa kanyang opisina. Bakit kaya ganon ang pakiramdam ko? Parang isang taon ko siyang hindi nakita.

Hinanda ko muna ang kanyang kape, ang mga reports na kailangan niyang malaman habang wala siya rito at ang schedules niya for the day. Pagpasok ko ng opisina niya, nakaharap siya sa glasswall habang pinagmamasdan ang city view. She's wearing a stylish back suit, paired with high heels. Nakalugay ang mahaba niyang buhok, na lalong dumagdag sa kanyang sopistikadang ganda.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon