Italia Gwen Soler
"Italia, anak. I thought you were going to Baguio?" bigla akong napabalikwas ng higa nang magsalita si Mommy sa tabi ko.
Napatingin ako sa digital clock, oh ehm gee! 8:50AM na! Kailangan by 10AM nasa helepad na ako ng JF towers!
"Thanks, Mom, for waking me up. Kailangan ko nang mag-prepare."
Mabilis akong pumasok dito sa banyo, yong mga rituals ko bago maligo inichapwera ko na, basta kailangan ko maging mabango. Sa loob ng twenty minutes nagawa kong maligo at magbihis, casual lang ang suot dahil pupunta kami sa construction site kaya walang problema.
I hope I don't get stuck in traffic on the way to the office. Kinuha ko ang shoulder bag ko, ang luggage at ang susi ng sasakyan. Oops! And my phone.
"Mom, I need to leave now or I might miss our flight." humalik ako sa pisngi ni mom saka ako pumasok dito sa kotse ko. Hindi na ako nakapag-breakfast dahil sa pagmamadali.
"Mag-iingat ka, Italia." saad ni Mom. Siya na ang nagbukas ng gate.
"Opo, Mommy."
"Late ka na ata, anak." Si Daddy.
"Mukhang mali-late nga po ako, Dad." nakangiting saad ko sa kanya. I waved at them and drove off to the office.
Napakaswerte ko rin naman talaga, kailangan ko pang dumaan sa gas station dahil malapit nang ma-empty ang tank ko. At ganon nga ang nangyari. Nagpa-gas ako at naipit pa sa traffic.
What a day. I was fifteen minutes late, but thankfully, they waited for me.
"What happened, Italia? You look tired kahit umaga pa lang." si Sir Jethro. Nakasuot siya ng plain shirt at jeans. He was smiling na lalo namang nagpaguapo sa kanya. At hindi ko iyon maitatanggi.
"I'm sorry for being late, Sir. Hindi ako ginising ng magaling kong alarm clock, may sarili ata siyang desisyon sa buhay kung kailan niya ako gigisingin."
Lalo siyang napangiti. "It's fine. Malapit lang naman ang Baguio City kapag chopper ang sasakyan natin. Let's go, guys."
Tama nga si Engineer Randa, cool ang isang 'to. Kapag si Wendy ang kasama namin ngayon for sure nakatikim na naman ako ng malamig na titig at maanghang na salita dahil sa pagiging late.
It took us one hour and thirty minutes to reach Baguio. At dito sa isang exclusive transient house kami tumuloy.
"Guys, rest and have lunch, then by 1 PM, we'll head to the site. Okay?" Instruction ni Sir Jethro.
"Yes, Sir." sagot namin.
We went to our respective rooms. Humiga ako dito sa kama pagpasok ko sa aking kwarto. Nakakapagod din pala ang magkakasunod na site visit, from Davao ngayon dito sa Baguio. Pero buti na lang ito ang last site visit for this month.
Ipinikit ko muna ang mga mata ko ng ilang minuto. Napabalikwas ako saka ko binuksan ang messenger. Naisip kong i-chat si Wendy.
["Hi we're here in Baguio. I hope you're okay, have a safe trip and take care."]
Take care?! May masama nga akong balak sa kanya tapos sasabihan ko pa siya ng take care! Bilib din ako sa sarili ko, ang husay kong umarte.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.