Chapter 46

1.8K 167 120
                                    

Author's Note: There's also a Chapter 47. Keep your comments coming, and I'll post Chapter 47 tomorrow for FREE.

Your support will be rewarded. And thank you for patiently waiting.



°•°•●•°•°







Italia Gwen Soler

"Yong tinutukoy ni Jillian sa public apology niya na Ric De Mesa ay kapatid ni Arvie."

Ipinakita ko kay Pure yong mga nabasa kong articles at mga pictures kung saan naroon sa burol ni Ric De Mesa si Arvie.

Napanganga si Pure. "Oh my goodness, I wasn't wrong about my instinct, Italia. Now it's clear, Arvie used you. We thought you were the one seeking revenge, but it was actually her." She shook her head.

"You're right. Wala akong napala sa pakikipagsabwatan sa kanya kundi puro sama ng loob. Nasira ang relasyon ko sa mga magulang ko at hindi ko pa rin nasasagot ang mga katanungan sa pagkamatay ng kapatid ko."

"You know, it's okay. At least you got to know Wendy. Siguro hindi ka nakalaan para maghiganti kundi para makilala mo ang taong iyon." She smiled parang tinutukso niya ako.

"You're right again, Pure. I got to know Wendy, and here I am, hurting. My life is a mess." I shook my head.

"Oh, you still have me, Italia. And no matter what happens, I'll be by your side. I'll give you advice, kahit hindi mo naman pinapakinggan."

"Oh Pure." Natatawa ako sa pagiging sarkastiko niya. Alam kong inaasar na niya ako sa mga sandaling ito.

Habang naguusap kaming dalawa tinawag ako ng staff niya.

"Ate Italia, may naghahanap sayo. Roanalyn daw ang pangalan niya."

Napatingin ako kay Pure, inaalala ko kung may kaibigan ba ako o kakilalang Roanalyn pero wala akong matandaan. At matagal akong wala dito sa Pilipinas, si Pure lang ang nakakausap ko madalas online nong nasa Australia ako.

"Titingnan ko muna kung sino yon, Pure." Paalam ko sa kanya.

"Okay." saad niya.

Lumabas ako ng kusina, itinuro sa akin ng staff yong babaeng naghahanap sa akin. Nakaupo ito malapit sa entrance door. Maputi at pansin ko may itsura kahit nakaside view siya. Meron siyang mga tattoo sa braso at hita dahil nakasuot lang siya ng shorts at blouse. At meron siyang kasamang bata na lalake parang two years old ang edad, nakayakap sa kanya at nakasubsob sa balikat niya, humihikbi.

Napapaisip tuloy ako kung may inaanak ba ako sa binyag na hindi ko nabigyan ng regalo nong pasko. Pero imposible, nasa Australia ako ng matagal at hindi ako nakaka-attend sa mga binyag. Nilapitan ko siya at napatingin siya sa akin.

"I'm sorry, I don't think I know you." saad ko.

"Hi, I'm Roanalyn." Pakilala niya. Hindi niya magawang makatayo dahil karga niya yong bata kaya ako na lang ang umupo sa tapat nila.

"You don't know me, but I know your brother, Danrev. I just came here to talk to you. And I believe you are his sister."

Tumango ako. Mukhang nagtatantrums yong anak niya kasi pahikbi-hikbi.

"So you know already he's gone?" Tanong ko.

"Yeah." She nodded. Hinahagod niya ang likod ng bata. Pinapatahan niya.

"I don't understand. Why do you need to talk to me?"

"I have something important to tell you, that's why we came here."

"Okay, but how did you know na nandito ako?"

"Nagkataon lang na nakita kita rito noong nakaraang buwan, ilang beses at madalas hapon ka nagpupunta rito. At alam kong kapatid ka ni Danrev. Matagal na kaming magkakilala, since college pa."

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon