Chapter 41

1.2K 90 5
                                    

Italia Gwen Soler



THE EVENT finally started, and it was huge. There was a big orchestra playing beautiful music, a bar with lots of drinks, and a ton of food. Hindi lang mga empleyado ang naririto. There were investors, and I even saw some famous people from politics, news, and movies. It was a really fancy party pero yong inaasahan ko na makita rito ay wala.

I was about to take a sip of wine when everyone in the ballroom suddenly went quiet. Heads turned, and people started whispering. I looked around and saw Wendy walking in. Hindi ko naituloy ang balak kong pag-inom at napako na lang ang titig ko sa kanya.

Wendy looked stunning in her emerald green dress. She was beautiful and classy, with a confident, fierce look. She seemed to own the place.

"She sure knows how to make an entrance, right?" saad ni Engineer Randa na nandito sa tabi ko, pareho naming pinagmamasdan si Wendy.

I nodded. Wendy knew how to get everyone's attention. Dinaig pa niya ang entrance ng kapatid niya. She walked through the crowd, talking to people. I was glad to see her at hindi nawala ang titig ko sa kanya.

"Hey, you good?" Napansin ata ni Engineer Randa ang pananahimik ko. Iniwas ko ang pagkakatitig ko kay Wendy saka ako huminga nang malalim.

"I'm fine." sagot ko saka ako uminom ng wine na hawak ko.

"I didn't expect na pupunta rito ang boss natin, ilan sa mga malalaking event ang hindi niya dinaluhan. It's surprising that she was present tonight."saad ni Engineer Randa.

Muli kong pinagmasdan si Wendy. Nakikipag-usap siya sa ibang mga guests na para bang ang friendly niya.

"Secretary Italia, maiwan muna kita rito. May kakausapin lang ako."

"Sure." sagot ko.

Naiwan akong mag-isa habang hawak ko ang glasswine. I was waiting for a chance na lapitan si Wendy pero wala pa akong lakas ng loob. Nakatitig na naman ako sa kanya, then suddenly she looked at me. Sinubukan ko siyang ngitian pero hindi siya nagresponse. Kumuha siya ng glasswine at uminom, naglakad-lakad siya.

Sinusundan ko siya ng tingin kung saan man siya magpunta, the way she walks was so graceful and effortless. Parang gusto ko na lang mawala sa pagtitig sa kanya, dahil siya na lang ang nakikita ko sa mga sandaling ito.

Biglang kumabog ang dibdib ko dahil naglalakad siya patungo rito sa kinaroroonan ko, at nakatitig siya sa akin. Napatingin ako sa kanan at sa kaliwa ko kung meron ba siyang sasadyaing iba rito, pero ako lamang ang nandito.

"Wendy!" Nakuha ang atensyon niya ng isang matandang babae kaya tumigil siya. "How are you, hija?"

"Mrs. Gutierrez, I'm good." sagot ni Wendy. 

Naririnig ko sila dahil isang dipa na lang ang layo ko sa kanila.

"You look amazing, hija. Tell me about Europe, how was it? It's been a while since I last visited."

"It was so great. I stayed there for only a few days dahil natapos agad ang mga negotiations ko." sagot niya sa tinawag niyang Mrs. Gutierrez.

Now I understand kung bakit umuwi siya agad ng Pilipinas. Maybe she wanted to surprise me kaya hindi siya nagsabi na nakauwi na siya, but Arvie ruined everything.

"What about the viral video, hija? Hindi ba makakaapekto sa kompanya iyon?"

Nagtama ang mga tingin namin ni Wendy dahil sinulyapan niya ako pero saglit lang iyon dahil ibinalik din niya ang tingin sa kausap niya.

"We're doing our best to take them down. And don't worry, I will personally ensure that your investments in the company are safe."

"Oh, I'm relieved. Sa inyo lang ako nagtitiwala na magkapatid, because I knew my money is secure in your hands."

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon