Chapter 39

1.2K 104 9
                                    


Italia Gwen Soler

After office hour. Nakaupo ako dito sa sasakyan ko habang pinagmamasdan ko si Wendy, pasakay na siya sa kanyang kotse. Nauna akong lumabas ng office kanina, pero hindi ko na sinubukan pang lumapit sa kanya para kausapin siya dahil alam kong hindi niya ako pakikitunguhan ng maayos.

Kung kakausapin man niya ako for sure maaanghang na salita lang ang matatanggap ko mula sa kanya. But I still want to be near her, and I've always wanted to see her, sapat na ito sa akin.

Masakit dahil iniisip niyang hindi totoo ang pagmamahal ko sa kanya at lahat ng ginagawa ko ay pagpapanggap lamang. But it wasn't. I loved her more than anything. I'd never felt this way about anyone before. But she didn't believe me. Nawala na yong tiwala niya sa akin and our relationship was just a big mess now.

I felt so empty and sad. It was like a piece of me was missing. Sobrang bigat sa dibdib.

Isinandal ko ang ulo ko dito sa headrest ng upuan. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at huminga ako ng malalim. Pagmulat ko, paalis na ang sinasakyan niya. Wala akong nagawa kundi ang pagmasdan lang siya.

Ganito araw-araw. Sa loob ng dalawang linggo buhat nang mangyari ang insidente, marami na ang nangyari. Umalis ako sa bahay ng mga magulang ko, tumira ako ng dalawang araw sa bahay ni Pure then naghanap ako ng sarili kong tirahan.

Nagrerenta ako ngayon ng apartment. Hindi pumasok sa isip ko na bumili ng sariling bahay dahil kapag hindi ko naayos ang relasyon namin ni Wendy ang last option ko ay pumunta sa ibang bansa para doon magtrabaho. Kagaya ng dati, noong hindi ko pa siya nakikilala.

At ang kotse na ginagamit ko ngayon ay binili ko. Hindi ko na ginamit pa yong sasakyan ni Dad dahil iniwan ko iyon nong umalis ako sa bahay nila.

Mula noon isang beses ko pa lang nakakausap ang mga magulang ko. At ganon pa rin, galit sila sa akin at kay Wendy.

The next day, paggising ko agad akong bumangon at sumilip dito sa bintana ng apartment. Umaasa ako na sana may magandang mangyari ngayong araw na ito.

Nagprepare ako papuntang work. Kumain lang ako ng sandwich at nagkape.

Pagdating ko dito sa JF Tower sumalubong sa akin si Engineer Randa. "Alam mo, hindi na kita nakikitang ngumingiti." saad niya.

Pinilit kong ngumiti. "Ayan, okay na ba?"

Napangiti siya. "Secretary Italia, alam ko ang pagkakaiba ng genuine na ngiti at pilit. Is it because of Ma'am Wendy? Napagalitan ka ba niya?"

"No." Umiling ako. Hindi ko rin talaga mapilit ang sarili ko na ngumiti, kahit fake smile nahihirapan ako, kaya siguro napapansin ng iba ang pagiging tahimik at seryoso ko.

"Medyo worried ako dahil baka bigla ka na lang umalis. Minsan lang ako makahanap ng ka-work na magiging malapit sa akin at ikaw yon kaya nag-aalala ako kapag sad ka."

Kahit ako, ganon din ang nararamdaman ko. Hindi ko akalain na magiging komportable ako sa trabaho na ito at magiging masaya. Kung hindi lang nagkagulo madali kong magagawa ang mga daily task dito pero ngayon parang lahat mabigat. At ang pinaka mahirap ay magkunwari na okay lang ako.

"I'll be fine, Engineer Randa. Kapag nawala ako rito, hindi ko yon kagustuhan."

"What do you mean?"

Umiling ako nang magtanong siya. Pakiramdam ko kasi, kahit hindi ko gustuhing umalis dito baka bigla na lang maisipan ni Wendy na paalisin ako at palitan ako ng ibang secretary.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon