Finale

2.7K 238 165
                                    

Author's Note: I've decided to make this chapter FREE for everyone, as a thank you to those who took the time to comment and vote.

I'd also like to ask a favor. Sa mga hindi pa nagvo-vote, could you please consider going back and vote from Chapter 1 to the Finale? I know this is a bit much, pero sana pagbigyan niyo ako.

I'm working on two to three special chapters. By Monday available na yong first SC. Now, nakadepende sa mga feedbacks niyo kung magiging FREE ang mga SC sa lahat or sa mga nagbigay lang ng feedbacks dito sa Finale.

Basehan ko lang itong last chapter. It's a challenge for you, and you can ignore it if you want. And since Finale na ito, pwede na kayong hindi tumuloy sa SC. Hehehe!

P.S.:

●Sa mga subscriber ng STFotp ipapadala ko bukas sa inyo yong PDF copy nitong Finale. Aayusin ko pa.

●Sa mga subscriber ng STFpp, na nag-advance payment for Finale. Pwede kayong magrefund or you can request for a PDF copy. Your choice. Email niyo lang ako.

●Sa mga gustong mag-avail ng PDF from chapter 16 to Epilogue. Email niyo lang po ako dito sa 👉 johansenlatrel@gmail.com

_________________________________________




Italia Gwen Soler

Office of the COO

"Malayong-malayo ka sa Kuya mo. Di hamak na mas matigas yang ulo mo."

Nagawa pa talaga niya akong asarin. Oo matigas ang ulo ko pero ayokong gumaya kay Kuya na matigas pati na ang kanyang puso. I don't want to be like him.

Habang naguusap kami ni Wendy dito sa loob ng opisina niya, may kumatok sa pinto. And Martin walked in. He looks happy nong makita niya si Wendy.

Nandito na naman ang lalakeng ito!

Humakbang ako palayo sa desk ni Wendy para bigyan ng daan ang bisita niya. Alam ko namang bibigyan niya ng oras ang lalakeng ito.

"Wendy, I'm glad you're already here." Masiglang bati ni Martin. "I just want to talk to you before I go back to Europe."

Hindi ngumiti si Wendy, nagtaas siya ng dalawang kilay. Nahalata ko ang paghinga niya ng malalim. Siguro dahil nandito pa rin ako, hindi ako umaalis.

"Excuse me." Pasintabi ko, baka hinihintay lang niya ang pag-alis ko. Kagaya ng ginawa niya nong nakaraan, nong nandito ang lalakeng iyan, pinaalis niya ako.

"Stay here, Italia."

Hindi ko naituloy ang paglabas dahil sa sinabi niya. Nagtaka tuloy ako, pero sinunod ko ang utos niya. Nanatili akong nakatayo pero nakaiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ayoko nang makaramdam ng bigat ng loob dahil sa selos. Ilang araw na akong hindi okay dahil sa lalakeng ito na lagi na lang nandiyan, nakabuntot siya palagi kay Wendy.

"Martin, I'm busy right now. Please, leave us for a moment. My secretary and I are discussing important matters." Wendy's voice was firm, but her tone was polite.

Himala, this time ang lalakeng ito ang pinapalabas niya at hindi ako. Pero aaminin ko, natuwa ako sa narinig ko.

"Oh, I'm sorry. Okay, I'll wait outside." Bago lumabas ng pinto si Martin, nginitian niya ako. Pilit naman ang ngiting ibinigay ko sa kanya hanggang sa nakalabas siya at naiwan kaming dalawa ni Wendy rito.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon