Chapter 05

2.4K 210 25
                                    

A/N: Before you read this chapter kindly click the ⭐️ button to VOTE. And If ever hindi pa kayo nakakapag vote from chapter 1 to 4, baka pwedeng balikan niyo habang konti pa lang ang posted na chapters. Every 3 days ang update ko sa story na ito and I'll try to post at least 2 chapters every update kapag kinaya. And I hope mag-iiwan din kayo ng COMMENTS every chapter.  🫠

🤍🩶🖤

°•°•●•°•°

Italia Gwen Soler

I informed my boss in Australia that I'm resigning from the company, and he seemed disappointed by the news. Habang nag-uusap kami kanina sa phone he mentioned that my promotion to Senior Financial Manager was in the works. Kung tutuusin sayang dahil isa ako sa mga napili na ma-promote this year, pero decided na akong umalis sa trabaho and it's my personal choice. Wala nang atrasan pa.

Lumabas ako ng silid, pagdating dito sa hagdan nahintuan ako at pinagmasdan ang buong sala, walang ibang maririnig kundi ang tunog ng malaking ceiling fan. Hanggang sa napangiti ako, I have this feeling na excited ako sa gagawin ko.

Ipinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdan, pagdating dito sa dining area niyaya nila akong mag-agahan.

"You resigned from your job and you will stay for good here in the Philippines, Italia?" Halata ang tuwa sa mukha ni Dad nang ikompirma niya sa akin ang sinabi ko sa kanila. Magkakasalo kaming tatlo nila Mom dito sa hapag-kainan.

They've been trying to convince me to do this for a long time. Kung hindi pa dahil sa plano kong maghiganti kay Wendy, hindi ko maiisip na manatili dito sa Pilipinas ng matagal.

"Magtatagal ako dito, dad, iyan ang masisiguro ko sa inyo ni Mom. Maghahanap ako ng trabaho rito." Ganito ako kabilis magdecide. At pagkakataon ko na rin ito para makabawi sa mga magulang ko.

"Mas mabuti pa nga, anak. Dahil nong mawala ang Kuya mo, lagi kaming nag-aalala ng dad mo. Hindi nawawala ang takot namin lalo na alam naming mag-isa ka lang doon." saad ni Mom.

"Mom, kahit anong problema hindi ko magagawa iyon. At alam niyo namang sanay akong mag-isa, di ba? Unlike Kuya, gusto niya ng maraming friends at laging nasa poder niyo. Pero he still suffered depression. Don't worry, mas magiging matatag ako."

Pagkatapos naming kumain, nagprepare ako para sa pagkikita namin ni Arvie. Nagsuot ako ng casual na damit, pants at blouse. Itinali ko ang buhok ko, siniguro kong walang malalaglag na kahit isang mahabang hibla ng buhok ko, ang mga baby hair ko sa batok ay hinayaan kong nakababa.

"Italia, nandiyan si Arvie." tawag sa akin ni Mom. Kilala na nila si Arvie dahil nakwento ko nong kumain kami. Na mabait siyang tao at kilalang-kilala niya ang Kuya ko.

"Hi." bati ko sa kanya paglabas ko ng gate. Siya ang nagbukas ng pinto sa passenger seat ng kotse niya, pumasok ako at umupo.

"Let's go." saad niya at nagbyahe na kami.

Dinala niya ako rito sa isang restaurant na katapat ng JF Towers. Mula rito sa kina-uupuan namin na katabi ng glasswall ay tanaw ang napakatayog na gusali.

"That's where you'll find her. The Fuentes family owns that building." saad ni Arvie.

Bumaling ako sa kanya. "So what's the plan?" tanong ko.

"Para makapasok ka diyan you need to apply for work. Bakante ang position na Financial Head at Secretary of the Chief Operating Officer na position ngayon ni Wendy."

Tumango-tango ako. "I'll go for Financial Head since that's my background. That job would be easy for me."

Umiling-iling siya. "No." kontra niya kaya napakunot-noo ako. "You need to get the secretary position, Italia."

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon