Special Chapter 03

1.8K 136 153
                                    

Seducing The Fire
Special Chapter 03
by: letmebed1

Wendy Fuentes

📍Resort

Nandito ako sa gilid ng pool habang hinihintay si Italia, pero mas nauna pa rin dumating ang sasakyan ng Pamilya Emerson. Pagdating sa driveway, bumaba sa sasakyan sina Jean, Mira at Jera.

Kinawayan ko si Jera na lumapit sa akin dahil alam kong magbababa pa ng mga gamit yong parents niya at aayusin pa ang pagpark ng sasakyan.

Agad na lumapit sa akin si Jera. "Tita Wendy, bless." Hinawakan niya ang kamay ko, nagmano siya.

Yumuko ako para halikan ang mga pisngi niya. Ibang-iba ang ugali ng batang ito sa dada Jean niya, napakagalang at napaka-bait. Tahimik at mahiyain siya kumpara rin sa mga kaibigan niyang sina Jamsen at Jian. Yong dalawang 'yon makukulit at ma-ingay. "Do you have candies?" Tanong ko.

Umiling siya. "But I have cookies, Tita." sagot niya. May kinuha siya sa sling bag niya na maliit, isang pack ng cookies. "Ginawa 'yan ni Mommy ko." saad niya, inabot niya sa akin.

"Wow! Would you like to trade it for something?"

She nodded. "I want yellow ducks."

Napangiti ako sa sarili ko. "Yellow ducks? Meron ba n'on?"

"Yes, tita. Baby ducks."

"Ohh..." napahawak ako sa noo ko. Of course. Baby ducks are yellow. Bakit hindi ko agad naisip 'yon? Kinuha ko yong cookies sa kamay niya, binuksan ko saka ko kinain. Masarap talaga gumawa ng cookies ang mommy Mira niya, hindi masyadong matamis. "Okay, maghahanap ako ng yellow ducks para sayo, or I can bring you to my province. Maraming baby ducks doon."

Ngumiti siya, parang nagningning ang kanyang mga mata. "Okay, Tita. I'll tell my dada and my mommy, pupunta tayo sa province mo." Malambing niyang saad.

"Sure." Pinagmamasdan ko yong mukha niya, hindi ko makita kahit konting pagkakatulad niya kay Jean. "Do you want to become like your dada Jean when you grow up?" Tanong ko ulit sa kanya.

Umiling siya. "I want to become a cat when I grow up. They're cute, di ba tita?"

Pinipigil ko ang tawa ko dahil sa batang ito. Salamat naman hindi nito nakuha ang ugali ni Jean. Simple lang din ang mga gusto niya, hindi gaya nong dalawang bata.

"Jian, Jamsen!" sigaw niya nang makita ang mga kaibigan niya, tumakbo agad siya papunta sa dalawang makulit.

"Jera, don't run!" sigaw ni Mira dala ang mga gamit nila, napapatakbo siya para sundan yong bata. Paglapit niya sa akin bumeso siya sa pisngi ko. "Naku maiwan muna kita Wendy, susundan ko muna si Jera. Kagagaling lang niya sa lagnat at ubo kaya kailangan ko siyang bantayan. Si Jean papunta na rin dito, inaayos lang niya yong sasakyan sa parking lot."

"Sure." sagot ko. Mabilis na sinundan ni Mira ang anak nila ni Jean.

Speaking of the devil....

Naglalakad palapit si Jean dito. "Wendy!"
tawag niya sa pangalan ko nang makita niya ako. Mabilis siyang naglakad, may dala siyang mga gamit. Paglapit niya ibinaba niya ang mga dala niya.

"You're so loud!" I said.

"Sus, I know you miss me." bumeso siya sa pisngi ko. She hugged me and whispered in my ear, "Welcome to the club, p*ssy eater."

"You're crazy!" Itinulak ko siya.

Natatawa siya. "Come on, Wendy. Don't pretend you're not digging into a p*ssy." Nang-iinis ang mga ngiti niya.

She caught me red-handed, pero imbis na mainis ako, natatawa ako sa pang-aasar niya. Pero pilit kong pinipigil na magpakita ng reaksyon sa huling sinabi niya. "I don't know what you're talking about, Jean."

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon