Wendy Fuentes
"Where's, Italia?" Tanong ko kay Pure. Nandito ako sa Café Syudad. Basta na lang ako iniwan ni Italia kanina sa parking lot ng JF Towers, kaya hinahanap ko siya.
"Wendy, hindi siya nagpaalam sa akin. Ilang araw na siyang hindi pumupunta dito sa Café, nag-aalala na nga ako sa kanya."
Lalong lumakas ang kutob ko na hindi talaga sa bahay ni Pure tumitira si Italia.
"Okay, baka pwede mo akong tawagan kapag pumunta siya rito." Iniwan ko ang calling card ko sa kanya.
Bumalik ako rito sa sasakyan ko. My head is starting to ache dahil kay Italia. Ano bang nangyayari sa kanya?
Binuksan ko ang makina ng kotse pero hindi ko naituloy ang pagmamaneho dahil may natanggap akong message mula kay Atasha, binuksan ko.
["Where are you, Wendy?"]
Hindi ako nagreply. Nagdrive na ako pauwi ng condominium.
Pagdating ko rito sa parking lot ng condo, kinuha ko ang bag at phone ko. Nakita kong may new message galing kay Atasha. Pagbukas ko, nagsend siya ng picture nila ni Italia. Magkadikit sila habang may hawak na wineglass.
So you were just there, Italia! Hinagis ko ulit ang bag ko sa passenger seat saka ako sumakay. Nagdrive ako papunta sa bar ni Yana.
Pagdating dito agad akong pumasok sa loob, at nilapitan si Italia. Naroon siya sa may bar counter, nakaupo sa stool chair. Nilapitan ko siya. "Nahanap din kita."
Napatingala at napatitig siya sa akin, halata ang pagkagulat niya, nanlaki ang mga mata niya. She's not drunk, pero mukhang hindi niya inaasahang makikita niya ako rito.
"Wendy...." sambit niya.
I felt a strange feeling habang magkatitig kami. It was like I was seeing something special, something that made me feel different. Pero ang mga matang iyon ay tila malungkot and I wanted to comfort them.
"Huwag kang uminom ng madami, okay?" Hinaplos ko ang buhok niya, hindi naputol ang mga titig namin sa isa't-isa, not until Atasha hugs me.
"Wendy, hindi mo pinapansin mga message ko kanina. Nagtatampo ako sayo."
"Huwag mo akong dramahan, please, Atasha."
She smiled. Mukhang lasing ang isang 'to. "Halika rito." Hinila ko si Atasha papunta dito sa office ni Yana pinahiga ko siya sa sofa. "Babalikan kita mamaya, matulog ka diyan."
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.