A/N: Bukas ko pa dapat ito ipo-post pero natapos ko ang editing today kaya isinabay ko na.
VOTE BEFORE READ. AND PLEASE LEAVE A COMMENT. GIVE THIS CHAPTER 100 VOTES PLEASE. THANK YOU 🫠
°•°•●•°•°
Italia Gwen Soler
PAGDATING ng Sabado, sinubukan kong i-stalk si Wendy. It's part of the plan, si Arvie ang nagsuggest sa akin na kung saan pupunta si Wendy ay dapat alam ko. From her condo unit, I followed her car. It was easy to know it was her because she was driving an old car.
It took me over an hour, including dealing with traffic to follow her. Huminto siya sa gilid ng kalsada at nakita ko siyang bumaba mula sa kotse, may dala siyang gitara. Pagtingin ko sa pinasukan niyang gate may signage sa taas at nakalagay ang pangalan ng institusyon 'Masayang Bahay Kanlungan'.
I parked my car and got out. Naglakad ako patungo roon at nagtanong sa guardya. "Ano pong institusyon 'to manong?"
"Kanlungan ito ng mga matatanda na inabandona, may mga sakit at walang tirahan."
"Ganon po ba." Bigla akong nakaramdam ng habag para sa mga matatandang naririto. "Pwede po ba akong pumasok?"
"Oo, naman. Ilista mo dito yong pangalan mo." Binigyan niya ako ng ballpen at logbook. Isinulat ko ang pangalan ko at date ng pagbisita ko.
"May pumasok po rito kanina na babae. May dala siyang gitara. Kilala niyo po ba siya?"
"Si Mam Wendy? Kilalang-kilala siya rito. Kapag hindi siya busy sa trabaho niya pumupunta siya rito para kantahan ang mga lolo at lola. Nagpapaluto rin siya palagi ng pagkain para sa lahat.
Napatango-tango ako. Pumasok ako dito sa loob. Isinuot ko ang itim na sunglasses at patingin-tingin ako sa paligid hanggang sa nakarating ako dito sa function hall. Nandon ang mga matatanda na nakasakay sa wheelchair, yong iba may mga tungkod at dahan-dahang naglalakad, hanggang sa makaupo ang lahat.
Pumwesto ako rito sa gilid, yong hindi ako mapapansin. Sa harapan naroon si Wendy nakatayo habang hawak ang kanyang gitara. Seryoso siya sa una hanggang sa ngumiti siya nang kawayan siya ng isang matandang babae.
Ang mga staff ay nasa gilid, inaayos nila ang mga lutong pagkain. Hanggang sa nagsimulang magstrum ng guitara si Wendy. Malamyos ang pagkakatugtog niya, na para bang ayaw niyang maingayan masyado ang mga audience niya. Sinimulan niya ang kantang How Deep Is Your Love.
"I know your eyes in the mornin' sun. I feel you touch me in the pourin' rain. And the moment that you wander far from me. I wanna feel you in my arms again."
Nakatutok ang mga mata ng matatanda sa kanya. Halatang naaaliw sila sa malamyos at maganda niyang boses.
"And you come to me on a summer breeze. Keep me warm in your love, then you softly leave. And it's me you need to show. How deep is your love?"
Kahit ako nadadala sa pagkanta niya. Naging kalmado ang isip at puso ko habang nakikinig sa kanya. Napapasabay ako sa pagkanta niya dahil alam ko ang lyrics non.
"How deep is your love? How deep is your love? I really mean to learn. 'Cause we're livin' in a world of fools. Breakin' us down. When they all should let us be. We belong to you and me......"
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.