Italia Gwen Soler
📍La Grandiosa hotel
Pag-ahon ko mula sa pool, umupo ako dito sa lounge chair. Hinawi ko ang buhok ko na tumatakip sa mukha ko. Isang hotel staff ang lumapit sa akin kaya napunta sa kanya ang atensyon ko, he asked me if I wanted some wine. He showed me the label of the bottle he was holding. I nodded, so he poured some into a wine glass. Inangat ko ang baso saka ito inikot-ikot sa kamay ko, inamoy at tinikman ko. Napapikit ako sa aroma nito, mukhang sapat na ito para uminit ang gabi ko.
"I like it."saad ko kaya dinagdagan niya ang laman ng basong hawak ko. Isinandal ko ang likod ko sa backrest ng upuan pagkatapos kong uminom ng wine. Pinapanood ko si Wendy, nakasandal siya sa gilid ng pool, nakatingala at nakapikit. Nakikinig siya ng nakakalungkot na kanta mula sa cellphone niya at naririnig iyon hanggang dito sa kinaroroonan ko.
Kami lang ang guest na narito sa pool, mukhang nirentahan talaga niya ang area na ito para sa amin lang na apat. May maliit itong bar, dalawa ang staff na nagse-serve ng mga drinks at complimentary foods.
Sandali ko siyang pinagmasdan bago ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang lungkot na nararamdaman ko. Bigla na lang itong sumulpot sa buong pagkatao ko. Was it because I could hear the heartbreaking song she was playing? Or is there something missing in my life?
Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisa at kalungkutan nang maramdaman kong nagvibrate ang phone sa tabi ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tiningnan kung sino ang tumatawag----it was Arvie.
I answered. "Yes?"
["Where are you, Italia?"]
Sandali akong napaisip. Did Arvie really need to know everything about what I'm doing and where I'm going? It seems like I've lost my privacy since I met her. Lagi siyang tumatawag at nag-mi-message para tanungin ako how my day is, at kung anong status ng ginagawa kong paglapit kay Wendy and all.
Huminga ako ng malalim. Mukhang ito ang consequences ng mga plano namin. "Here in Cebu, kasama ko si Wendy."
["Kumusta ang ginagawa mong pakikipagmabutihan sa kanya?"]
Natawa ako sa sinabi niya. Pakikipagmabutihan?
"It's not easy. I'm still far from that point, Arvie. But I'm doing my best." saad ko.
["I understand. You need a lot of patience with her. And what have you found out?"]
Napakunot-noo ako at napatingin kay Wendy, naroon pa rin siya sa pool. Mukhang ini-enjoy niya ang pag-iisa. What did I find out about her? Napaisip tuloy ako.
"Well, you're right, Arvie. Hindi siya basta-basta, mahirap siyang intindihin, mahirap kunin ang atensyon niya. She almost fired me because I couldn't get the taste of coffee she wanted, but luckily, I eventually got it right."
Ininom ko ang natitirang wine sa baso ko. Lumapit ulit ang staff, he offers another refill. Tumango ako dahil nagustuhan ko ang wine, mas matapang ito kumpara sa mga usual na iniinom ko pero gusto ko yong pagka-bittersweet ng inumin.
["Keep up the good work, Italia. Tatawagan ulit kita sa ibang pagkakataon."]
"Okay."
Pagkatapos kong makipag-usap kay Arvie nanatili akong naka-upo rito sa lounge chair. Mukhang mahihirapan akong makuha ang loob nitong si Wendy.
AT 8PM pumasok na kami sa kanya-kanya naming kwarto. I showered and changed. Ayoko pang matulog kahit nakakaramdam na ako ng antok. Kinuha ko ang phone ko, binuksan ko ang profile ni Wendy. Pinagmasdan kong maigi ang kanyang larawan.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.