Italia Gwen Soler
Iniwan ko si Wendy sa kusina at pumasok ako rito sa banyo. Tinitigan ko ang sarili ko sa repleksyon sa salamin dito sa tapat ng lababo. Hindi ko pa rin maiwasan makaramdam ng kakaiba kapag magkasama kami ni Wendy. Nandito pa rin yong feelings na kakaiba tuwing malapit siya sa akin.
Sinampal ko ang sarili ko, gusto ko lang magising baka kasi nasa loob lang ako ng panaginip at kapag nagising ako baka hindi totoo tong nararamdaman ko para sa kanya.
Nilakasan ko ang sampal sa pisngi ko, "Ouch!" Napa-aray ako, hindi ako nananaginip. Totoong nasasaktan ako.
Umalis ako sa harapan ng salamin, tumapat ako dito sa shower at naghubad ng damit. Tumingala ako pagbukas ko nito, gusto kong magpakalunod baka sakaling ito na ang tumapos sa kaguluhang nararamdaman ko.
Pero kahit ilang beses kong pagsabihin ang sarili ko mukhang mananatiling pasaway ang puso ko. Mabuti na lamang kaya kong itanggi ngayon sa harapan niya na hindi na ako interesado sa kanya.
Pero hanggang kailan? Kapag hindi niya ako tinigilan, baka bumigay na naman ako sa mga pasimple niyang pag-aalaga sa akin.
Nakapikit ako habang nakapaloob ang mga daliri ko sa buhok ko, sinasabon ko ito. Tuloy-tuloy ang buhos ng tubig mula sa shower.
Minadali ko na ang pagligo. Paglabas ko ng banyo, nakatapis lang ako ng towel. Nandito na pala si Wendy sa loob ng silid, napatingin siya sa akin.
"Wendy, wala akong damit."
Oops! Mali ata ako nang pagkakasabi. Baka isipin niyang inaakit ko siya. "I mean, wala akong damit na maisusuot papuntang opisina."
"Bakit kailangan mo pang mag-explain, Italia. Alam ko namang wala kang maisusuot."
"Nagpapaliwanag lang. Masama?"
"Here." She handed me a sleeveless above the knee dress, kulay beige. Marunong siyang pumili ng damit na pasok sa panlasa ko.
"Thank you."
Siya naman ang sumunod na naligo. After kong magbihis, nagblow-dry ako ng buhok. Hinintay ko siyang matapos sa pagligo para maitanong ko kung pwede akong manghiram ng mga gamit niya.
Nang lumabas siya ng banyo tiningnan ko siya sa repleksyon ng salamin. Nakaupo ako rito sa harapan ng vanity table, nasa likod ko naman siya nagtutuyo siya ng buhok gamit ang puting towel, nakatapis lang siya.
"Would it be okay if I use your lipstick?" tanong ko. Di bale nang hindi ako mag-face powder basta may lipstick akong nilagay sa mga labi ko para hindi ako magmukhang maputla.
Tumingin siya at nagtama ang mga tingin namin dito sa salamin. Lumapit siya rito sa kinaroroonan ko. Imbis na sumagot, hinila niya ang drawer. Napatingin ako sa binuksan niyang drawer, naroon ang iba't-ibang kulay ng mga lipstick.
"Go ahead, pumili ka ng gusto mo."
Pumipili ako at nakita ko ang kulay na gusto ko.
"I think mas bagay sayo 'to, Italia."
Kukunin ko na dapat yong napili ko pero nagsabay ang mga kamay namin para bang nag-uunahan na makuha ang lipstick na iyon. Nahawakan ko yong lipstick, nahawakan naman niya ang kamay ko, pareho pala kami nang napiling lipstick.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.