Chapter 37

1.6K 106 46
                                    


Wendy Fuentes


PAGDATING ko ng Philippines pinasundo ako ni Jillian dito sa airport. It's already three in the afternoon. I went straight to my condo unit. Sinusubukan kong tawagan si Italia pero hindi siya sumasagot. Ang huling message niya ay kanina pang tanghali, magiging abala raw siya ngayong araw dahil aattend siya sa isang event.

Pagpasok ko ng kwarto iniwan ko muna ang mga luggage dito sa tabi ng pinto, naghubad ako ng damit at nagbihis. Hindi pagod ang pakiramdam ko, mas pagod ako nong nagbyahe ako papuntang Europa. Pero humiga ako para irelax kaunti ang katawan at isip ko.

After thirty minutes na nakahiga ako rito sa kama, napansin kong umilaw ang phone ko, may tumatawag. Pagcheck ko, unregistered number pero sinagot ko pa rin. "Hello?"

["Wendy, kumusta ka na?"] Halatang masigla ang boses nong nasa kabilang linya.

Napakunot noo ako. I'm not familiar with the woman's voice on the other line. "Who is this?" Lumabas ako ng kwarto saka ako nagpunta ng kusina para kumuha ng malamig na tubig sa ref.

["It's Arvie."]

"Arvie?" bulong ko. Nagtataka ako kung sino 'to. Although familiar sa akin ang pangalan niya, I couldn't remember where I met her.

["Don't you remember me? Ako yong nag-iinvite sayo na kumanta dati sa mga bar nong college. Kilala ako ng kapatid mong si Jillian, kaibigan ako ni Yana."]

When she mentioned Yana, that's when I remembered her. "Oh, yeah, I remember you, Arvie." saad ko. Umupo ako dito sa dining chair at uminom ako ng tubig na malamig habang kausap ko siya.

["I got your number from Yana. How are you?"]

"The same as before. Kumakanta pa rin ako sa bar ni Yana occasionally."

["I see. By the way, where are you now?"]

"I'm here at my condo unit now. Kararating ko lang from Europe." sagot ko. Pagkaubos ko ng iniinom ko, tumayo ako at lumipat sa sala. Umupo ako dito sa sofa.

["I see, by the way, I'm friends with Italia. Nabanggit ka niya minsan sa akin na secretary mo raw siya kaya naisipan kong tawagan ka."]

"Really?" Naging interesado ako nang banggitin niya ang pangalan ni Italia. "Kasama mo ba siya ngayon?"

["No. They have a gathering at their house. Papunta ako ngayon doon, ikaw ba?"]

"I'm not invited." Biglang gumuhit ang kirot sa dibdib ko pero binalewala ko agad ito. Iyon pala ang binanggit ni Italia na event na pupuntahan niya, sa kanila mismo.

["Baka akala ni Italia nasa Europe ka pa kaya hindi ka niya sinabihan."]

"Maybe." seryosong sagot ko.

["Do you want to come? Pwede kitang isama."]

"Pwede ba?" Tumayo ako at pumanhik dito sa kwarto ko. Isinara ko ang pinto at humiga ulit dito sa kama. Biglang bumigat ang pakiramdam ko.

["Of course. Let's meet at seven PM."]

"Sure, thank you, Arvie." Nagsend siya sa akin ng location kung saan kami magkikita pagkatapos naming mag-usap sa call.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon