Chapter 33

1.9K 109 22
                                    

Italia Gwen Soler

"You were trapped, Italia. Hindi ka na makakawala pa sa kanya. Sana hindi mo pagsisisihan sa bandang huli ang ginawa mo. And you waste my time. Sana pala hindi na lang ikaw ang nilapitan ko." Tumayo si at humakbang palabas ng restaurant.

'Sana pala hindi na lang ikaw ang nilapitan ko.' Nag-echoe sa isip ko ang sinabi niya kaya agad akong tumayo at hinabol siya.

"Arvie!" I shouted pagkalabas ko ng restaurant, nahabol ko siya. "What do you mean, na hindi na lang dapat ako ang nilapitan mo? What's your plan?!" Hinawakan ko ang kamay niya saka ko siya pilit na pinahinto sa paglalakad.

She looked at me, her gaze was intense. I could feel her frustration. She was angry. "I didn't mean anything, Italia. You're just useless. Hustisya ang hinahanap ko para sa kuya mo, at ikaw na kapatid niya wala ka man lang ginagawa para makamit niya iyon. You act like he's not your brother!" Mariin ang pagkakasabi niya sa huling salitang binitawan niya na nagpatigil ng oras ko.

Naiwan akong nakatayo rito habang siya ay nakaalis na. Ilang sandali akong hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa bumalik ang huwisyo ko at sumakay ako rito sa kotse ko. Tiningnan ko ang phone ko, may mga missed calls and messages si Wendy na hindi ko nasagot. Tinatanong niya kung nasaan na raw ako.

Hindi ko siya kayang harapin na ganito ang pakiramdam ko so I decided na magpalamig muna. Naisipan kong sa Café Syudad na lang ako pumunta.

Nagmaneho ako hanggang sa nakarating ako rito, halata ang pagkakata sa mukha ni Pure nang makita ako. Hindi ko kasi magawang ngumiti, I can't fake a smile for her. Masyado akong naapektuhan sa mga naging usapan namin ni Arvie.

"What happened, Italia? Mukhang hindi ka okay." si Pure. Alam agad niya. Hindi kasi yan sanay na haharap ako sa kanya na problematic ang itsura ko. Minsan nakikita niya akong malungkot pero hindi kagaya ng ganito, mukhang hindi maipaliwanag ang itsura ko.

Umupo ako rito sa dining area ng kusina, binigyan niya ako ng malamig na tubig pero hindi ko magawang uminom. 

"Come on tell me what happened." Pamimilit niya, umupo siya rito sa tabi ko. Siya lang ang taong handang makinig lagi sa akin kaya sa kanya ako lumalapit. Hindi dahil gusto kong kampihan niya ako kundi para may makinig at handang magsayang ng oras sa mga hinaing ko.

"Mali ba ako, Pure?" saad ko kasabay nito ang malalim na buntong hininga. I bit my lower lip para pigilan ang sarili ko na maging emosyonal.

"What do you mean?"

"Mali bang mahalin ang ex-girlfriend ng kuya ko?"

Dala-dala ko hanggang dito yong bigat ng pakiramdam dahil sa mga naging sagutan namin ni Arvie kanina. Iyon yong nakasira sa maganda kong mood kanina. I thought maiintindihan niya ako pero hindi siya kagaya ng iniisip ko. She was firm in her dicisions, na kapag inumpisahan niya kailangan talagang tapusin. Iyon ang nakikita ko kay Arvie, she won't back out.

"Naka-usap mo si Arvie, 'no?"

Tumango ako. "She's trying to make me realize na si Wendy ang may kasalanan ng pagkawala ng Kuya ko. And I feel like I was torn. I don't know what to feel anymore." Nagsimula akong magkwento ng mga naging usapan namin ni Arvie. Nakikinig nang mabuti si Pure, hinahayaan niya akong matapos na magsalita. "She's mad at me dahil umurong ako sa plano."

"She's toxic. Don't listen to her." payo niya.

Kilala ko si Pure, straightforward siyang tao at kapag alam niyang mali ako pinagsasabihan niya ako. At simula palang paulit-ulit niyang sinasabi na huwag akong makikinig kay Arvie, ako lang itong mapilit dahil nong una naniniwala ako sa taong iyon.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon