Chapter 35

2K 122 23
                                    


Wendy Fuentes


PAGKAUWI ko rito sa unit ko, inilapag ko sa center table itong dala kong wine saka ako pumanhik sa kwarto, nagbihis muna ako ng pang bahay saka humiga. Hawak ko ang cellphone ko kaya nagawa kong i-chat si Italia.

["Baby, come over to my unit before heading to your aunt's house tonight."]

["As in now?"] reply niya.

["Yes, baby."]

Binitawan ko na ang phone ko, hindi ko na nabasa ang sumunod niyang message. At habang naghihintay ako sa kanya itutulog ko muna. Nahihilo ako dahil sa mga ininom kong wines. Masarap pala ang mga iyon na pang-patulog.

After forty minutes nagising ako dahil narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Italia, is that you?"

"Yes. It's me, baby."

Siya nga ang pumasok dito sa loob ng kwarto. Isinara niya ang pinto saka ibinaba ang kanyang bag sa sofa, lumapit siya sa akin.

"What happened, baby?" Nag-aalalang tanong niya. Umupo siya rito sa gilid ng kama saka niya hinaplos ang pisngi ko. Nawala na yong hilo ko pero nanatili akong nakahiga, mainit pa rin ang pakiramdam ko.

"Nothing. Galing kami sa wine factory. Napainom ako ng konti......aw!" Napahawak ako sa noo ko dahil tinampal niya ako. "Italia!" Tumaas ang boses ko sa pagkabigla.

"Ikaw, ha. Nagpaalam ka na pupunta ka lang sa factory hindi ka nagpaalam na iinom."

"Ouch!" Kinurot niya ang braso ko. "Stop it! You're hurting me."

"Ang sensitive mo pala kapag nakaka-inom ka. Next time na iinom ka tapos hindi ka nagpaalam sa akin, hindi lang yan ang aabutin mo."

"What the heck." saad ko habang hinahaplos ang braso ko na kinurot niya.

Pinagalitan niya ako. Hindi ko naranasang mapagalitan ng kasintahan before dahil hindi nila ako masasaway pero itong si Italia, tinampal ako.

"I just need to taste the wines so I know their flavors. Dapat pa ba akong magpaalam?"

"Of course, kailangan mong mag-paalam sa akin. Gusto mo bang gawin ko rin yan sayo?" Hinaplos-haplos niya ang tummy ko habang nakatitig siya sa mga mata ko.

"No."

"Gusto mo rin ba na hindi ako magpaalam sayo tapos uuwi akong lasing, hmm?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"I'm not drunk, baby. And please don't do that to me, huwag kang mag-iinom nang hindi ko alam------- I'm sorry."

Bakit ba ako nagso-sorry sa kanya? I hate it!Napahawak ako sa noo ko dahil hindi ako makapaniwalang humihingi ako ng sorry sa kanya. "Pinapunta kita rito para makasama ka hindi para pagalitan ako."

"Okay, hindi na ako galit. Basta huwag mo nang uulitin yan, ha?" Malambing niyang hinalikan ang gilid ng mga labi ko.

"Yeah." Ipinikit kong muli ang mga mata ko pero hindi ko binitawan ang kamay niya.

"Baby, are you sure you're okay?" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Yes, I'm okay. Come here, dito ka sa tabi ko."

"Okay, wait lang." sagot niya.

Naramdaman kong tumayo siya kaya nabitawan ko ang kamay niya. Pagmulat ko, nakita ko siyang naghubad ng coat, naiwan ang suot niyang above the knee blue dress. Ang akala ko, coat lang ang huhubarin niya, pati pala ang suot niyang dress hinubad niya. Nagpunta siya sa harapan ng closet na nakasuot lang ng underwear, may hinahanap siya roon. Pagbalik niya nakasuot na siya ng oversized tshirt pero wala siyang suot na shortpants. Pumailalim siya dito sa kumot at yumakap sa akin.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon