Chapter 43

2.2K 129 10
                                    

Italia Gwen Soler

📍Hotel De Amor

Present Time



Napamulat ako ng mga mata. Napatingin ako sa paligid ko, nakabukas ang mga ilaw ng silid kaya nasilaw ako. Bahagya kong tinakpan ng kamay ang mga mata ko. Nasaan ba ako?

Malamig at maluwag ang silid. Mukhang nasa suite ako ng hotel. What happened?

Sunod-sunod ang mga katanungan sa isip ko. Napahawak ako sa noo ko, pinipilit kong alalahanin ang mga nangyari. Itinaas ko ang kumot, sinilip ko ang suot ko. Nakasuot ako ng dress. Naalala ko na, nasa company event ako. Pero bakit ako nandito sa kwarto?

"You're awake."

Napatingin ako sa pintuan nang marinig ko ang taong nagsalita mula roon. Napakunot-noo ako. "Ma'am Anne?"

"You can call me Anne." Nakangiti niyang saad. Lumapit siya at umupo dito sa gilid ng kama. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Hinawakan niya ang braso ko at tila may pagaalala sa kanyang tinig. Malamig ang palad niya pero unti-unti yong uminit dahil hindi niya ako binitawan.

"Inaantok ang pakiramdam ko, but I'm fine. What happened? Wala akong masyadong matandaan. Ang alam ko nasa event ako."

"You you passed out." sabi niya.

Napahawak ako sa ulo ko, naalala ko na. Ang huli kong kasama ay si Jethro at kausap ko siya habang magkaharap kami sa table. He offered me a drink, dahil sa inis ko kay Wendy at gusto kong patunayan na mali siya nang iniisip about Jethro, ininom ko yong wine.

Hindi dapat ako nagpadalus-dalos. Gusto kong batukan ang sarili ko. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko. May ginawa bang masama si Jethro sa akin?

Napatitig ako kay Anne.

"Don't worry, you're okay. Napahimbing lang ang tulog mo. I was with you mula pa kanina."

Tumango ako. I felt relieved. Kung hindi sa katangahan ko hindi ako aabot sa ganito. Medyo nag-alala ako dahil baka may ginawang masama si Jethro sa akin, pero wala akong ibang nararamdaman sa katawan ko kundi antok lang, kaya naniniwala ako sa sinabi ni Anne.

"Tapos na ba ang event?" I asked.

"Yeah, halos katatapos lang. It's five in the morning. Si Jillian at Wendy naroon pa sa ballroom dahil yong ibang mga important guests ay kausap pa nila."

Wendy.....

Gumuhit bigla ang kirot sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalan niya. Naalala ko, bago ako akayin ni Jethro palabas ng ballroom, nakita kong kasama niya yong foreigner na lalake and they were being very sweet to each other.

"Don't close your eyes... stay with me."

Biglang nagrewind sa isip ko ang mga katagang iyon. 

"Arvie...." bulong ko nang maalala ko ang huling nangyari bago maging malabo ang lahat sa isip ko.

"Arvie?" tanong sa akin ni Anne, nakakunot-noo siya.

Tumango ako. "Kilala mo ba siya? Nandito siya kagabi, siya ang humila sa akin kay Jethro."

"Of course, I know her. Pero hindi nabanggit sa akin ng magkapatid na nakita nila si Arvie rito."

"She was here...." ulit ko.

Buti pa ang taong yon kahit siraulo, naroon siya para iligtas ako. Habang si Wendy, naroon siya nakadikit sa foreigner na lalaki. Gumapang na naman ang matinding sakit sa damdamin ko nang maalala ko ang mga eksena kagabi.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon