Italia Gwen SolerNAGING regular ang pasok ko sa opisina dahil araw-araw ding pumapasok si Wendy. Seryoso siya sa trabaho at hindi ko siya masyadong nakakausap, maliba na lang tungkol sa trabaho. Bumalik ang pagiging aloof niya. Pero hindi maaaring magtuloy-tuloy ang pagiging tahimik niya.
"Wendy." pumasok ako dito sa opisina niya. Malapit na ring matapos ang office hours kaya naglakas loob na akong istorbohin siya. Nakaupo siya sa kanyang executive chair, busy siya sa pagsusulat sa kanyang notebook.
"Yes, Italia?" tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.
"Sobrang busy mo. Halos hindi ka makausap."
Umangat ang tingin niya. "Busy ako sa trabaho, alam mo iyan, Italia."seryosong sagot niya. Ibinalik din niya ang atensyon sa ginagawa niya.
"I know. Can I invite you for a coffee? I know a place where they make delicious coffee." Mahinahon ang boses ko ngayon, hindi ako nakikipagbiruan at hindi sarkastikong sumasagot sa kanya.
"I'm not in the mood to have a coffee, Italia. Maybe next time."
"Come on. Kaibigan ko yong may-ari at ipinagmalaki ko na sa kanya na madadala kita roon."
"You should inform me, bago ka nagcommit sa ibang tao." Huminto siya sa pagsusulat, saka niya ako tinignan.
"Please?" Pakiusap ko. Hindi ako aalis dito sa harapan niya hanggat hindi ko siya napapapayag.
Bumuntong hininga siya. "Fine. Sana hindi ako madisappoint sa ipinagmamalaki mong masarap gumawa ng kape."
Napangiti na ako. "I won't. Kaibigan ko yong may-ari ng café, alam kong magugustuhan mo ang mga products nila."
After office hour sabay na kaming lumabas ng building. Napapansin ko hindi na siya ganon kahirap kumbinsihin, pero kailangan lang talaga ng tyaga para pumayag siya. Sa kotse niya kami sumakay, mga thirty minutes din ang byahe at nandito na kami sa harapan ng Café Syudad.
Pumasok kami, sinabihan ko siyang umupo muna. Sa table na malapit sa glasswall ang napili niya. Nilapitan ko si Pure na nasa counter at mukhang hindi ko na kailangan banggitin sa kanya ang pangalan ni Wendy. Mukhang kilala na niya ito sa itsura palang.
"Gaga, dinala mo talaga siya rito?" Pabulong na bungad niya sa akin.
"Yep. Kaya galingan mong magtimpla ng kape, dapat magustuhan niya. Ipinagmalaki kita sa kanya kaya huwag mo akong bibiguhin. Sinabi kong ikaw ang pinakamagaling na gumawa ng kape sa buong syudad."
"Gaga ka talaga, bakit mo kasi sinabi yan. Ipapasubo mo pa ako."
"Ipapakilala muna kita sa kanya."
"Hindi ba nakakahiya? Huwag na lang kaya." She refused, pero hinila ko siya papunta sa table kung saan nakaupo si Wendy.
"Wendy, this is my friend Pure. Siya ang may ari ng Cafè na ito. Pure, boss ko si Wendy."
Tumayo si Wendy, naglahad siya ng kamay. "Hi, Pure. Nice to meet you."
Tumaas ang isang kilay ko sa pagtataka.
Akala ko tatanguan lang niya si Pure."Nice to meet you, too, Ma'am Wendy." Nakangiting tugon ng kaibigan ko.
"Just call me Wendy." Nakangiti niyang saad nag-shake hands silang dalawa.
Tiningnan ko ng masama si Wendy. Kapag kay Pure ang bait, samantalang pagdating sa akin ang sama ng ugali.
"What would you like, Wendy? Hot or cold brew?"
"Hot. And I'd like it creamy with just a hint of sweetness, please. Not too sweet, thank you, Pure."
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.