Chapter 14

2K 163 28
                                    



Italia Gwen Soler

Napatingin ako kay Secretary Beth nang lumabas siya ng opisina ni Wendy. Mukhang mainit ang ulo niya. Tumingin siya sa akin. "She wants to talk to you, Secretary Italia." seryosong saad niya.

Agad akong tumayo, kumatok ako dito sa opisina ni Wendy saka ako pumasok. "You called for me?"

Naroon siya sa kanyang desk, nakaupo. "Yeah. I just wanted to see if Beth would follow me because she told me she doesn't consider me her boss and will only follow my sister. And guess what? She had no choice but to follow me."

"Okay. And then?" I raised my eyebrows. Nagtataka pa rin ako kung bakit niya ako ipinatawag.

"And then get out, I don't really need you, Italia."

I rolled my eyes saka ako lumabas ng office niya. It seems she was born to tease people around her. Tinawag niya ako tapos palalabasin lang din. Ang lakas din ng trip niya. O baka naman gusto lang niya akong makita. Napapailing akong bumalik dito sa desk ko at nagpatuloy sa trabaho ko.

Naalala ko yong nangyari kahapon. I thought she would fire me because I argued with her dahil lang sa vase na nilagyan ko ng tubig. Surprisingly, she apologized. Ramdam ko ang pagkapanalo ko that time at masarap sa feeling na humingi siya ng sorry sa akin. Naging usap-usapan iyon dito sa loob ng JF Towers. At ang mga tao rito ay nagtataka. Even Engineer Randa and Architect Dayne nagulat sa nangyari.

After work nagdecide ako na pumunta sa store ni Pure para i-celebrate ang mga small wins ko, kasama na doon ang paghingi ng sorry sa akin ni Wendy. Nag-log out ako at sumakay dito sa elevator. Wala nang mas sasaya pa sa nararamdaman kong pagkapanalo.

Pagsakay ko ng kotse, nagbyahe ako papuntang Café Syudad. Dumating ako dito sa café ng kaibigan ko after thirty minutes na byahe. Pagpasok ko ng entrance door, hinanap ko agad ang kaibigan ko.

"Purificacion!" sigaw ko pagdating ko dito sa pintuan ng kitchen. Natigilan siya sa ginagawa niyang pag-sterilize ng mga cup at kutsara.

Napatingin siya sa akin. "Halika nga dito, Italia Gwen." Lumapit ako sa kanya para bumeso. "Sasabunutan ko yang buhok mo sa baba!"

"Oh, come on, Pure!" umiwas ako sa kanya dahil baka kurutin na naman niya ako sa private part ko. Sanay na ako sa kanya, ganyan talaga siya sa akin. Pareho kaming natatawa nong simangutan ko siya.

"So, what's the news?" tanong niya. Naghubad siya ng apron at nagtanggal ng net sa buhok. Umupo kami pareho dito sa dining chair.

"She apologized to me." saad ko. Inumpisahan kong ikwento sa kanya ang mga nangyari. Wala akong itinatago kay Pure dahil siya ang labasan ko ng mga sama ng loob at hindi lang iyon, kapag masaya ako naku-kwento ko rin sa kanya.

"So itutuloy mo talaga yang ginagawa mo?"

"Nandito na ako, Pure. Aatras pa ba ako?"

"Mahirap bang umatras?"

"Yeah, hindi ko kayang umatras."

Napapailing siya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin siya nakukumbinsi na suportahan ako sa mga ginagawa ko. At imbis na ipaghanda niya ako ng cold coffee, nagpadeliver na lang ako ng mga pagkain at sabay kaming nagdinner dito sa shop niya.




LATE AT NIGHT, nandito ako sa kwarto ko. Hindi ako mapakali. Parang gusto kong bumangon at umalis. Naalala kong pumunta sa bar ni Yana, so I quickly dressed and left the house. Tulog na ang parents ko, hindi ko na sila ginising para magpaalam. I just left a note on the dining table to let them know I went out.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon