Chapter 23

1.9K 109 17
                                    

Wendy Fuentes

"Wendy "

"Hmm?"

Naputol ang pag-iisip ko tungkol kay Italia nang tawagin ni Isaac ang pangalan ko.

"You seem distracted." his voice gentle. "Is everything alright?" Halatang nag-aalala ang ekspresyon ng mukha niya.

"Oh, just thinking about work. Pasensya na."

"It's okay. Alam kong busy ka sa kompanya niyo." He smiled, saka siya nagpatuloy sa pagkain.

Wala akong maisip na sasabihin dahil occupied ng walanghiya kong secretary ang isip ko. Naalala ko ang mga pinag-gagawa niya nong nasa probinsya kami, maliban sa hinalikan niya ako, she cried at the cemetery, hindi ko alam bakit bigla na lang siyang umiwas at para bang galit siya sa akin.

"Wendy..."

"Oh, masarap tong grilled chicken at salmon. And the wine."agad kong saad nang magsalita si Isaac. Napansin na naman ata niyang lutang ako kakaisip.

"Yeah, you're right. Madalas ako rito because they serve fresh meats and seafoods."

"Really? Honestly nagustuhan ko ang lugar na 'to."

"Thanks."

We talked for an hour, about everything and nothing. I learned about Isaac passion for indie films, his love for OPM, and his dream of opening his own gallery someday.

“I should probably get going.” I said, glancing at my watch. “May mga importante pa akong gagawin mamaya."

"I understand.  It was nice seeing you, Wendy. Sana maulit 'to."

I smiled at him. Pero hindi ako nagbitaw ng salita kung mauulit pa ulit ito. Hinatid niya ako dito sa may sasakyan ko saka siya umalis.

Nandito na ako sa loob ng kotse, kinuha ko ang phone ko at binuksan ang facebook account ko. Bumungad agad sa akin ang picture ni Italia, kapopost lang niya nito. Kuha niya ito sa loob ng bahay ko sa probinsya, halata sa background niya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya mula mata, pababa sa ilong hanggang labi niya. Those lips that had been pressed against mine.

Why was I thinking about Italia? Why was her kiss still so vivid in my memory?

PAGDATING ko dito sa condo, I entered the pin code at nagbukas ang smart lock door knob. Pagpasok ko napansin ko agad na may sapatos ng babae dito sa loob. Maliit ang size kaya alam ko na kung kanino, it was Atasha.

Isinara ko ang pinto at umakyat ako dito sa second floor. Nasa labas pa lang ako ng pinto naririnig ko na ang tunog ng TV. Hindi nga ako nagkamali, si Atasha ang naririto. "Wendy!" Nakahiga siya sa sofa, tumayo siya para bumeso sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Hinihintay kita."

"Kumain na ako. Ano bang gusto mo? Ipagluluto na lang kita."

Napangiti siya. "Kaya ako pumupunta rito kasi ipinagluluto mo ako kahit kumain ka na. Gusto ko ng menudo."

"Okay." Nagbihis muna ako ng pangbahay saka ko pinusod ang buhok ko, paglabas ko ng room sumunod siya. Dalawa kaming pumunta rito sa kusina.

"Hindi ba pupunta yong secretary mo rito? I can't forget her name because it always reminds me of Italy."

"No, pero bukas pupunta yon dito dahil sinabihan ko siyang dalhin yong mga documents na pipirmahan ko."

"I see, dito ako matutulog kaya magkikita kami. Pinapapunta ko si Frances dito, kaso baka naglalasing na naman yon."

Hindi ako umimik, kinuha ko ang mga ingredients dito sa fridge. Madali lang magluto ng menudo dahil may ready made na akong mga ingredients, diced carrots, green peas at giniling na karne.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon