A/N: Vote first before reading para hindi makalimutan. Then leave a comment. Thank you 🤍💛🧡
°•°•●•°•°
Italia Gwen Soler
Mababakas ang tensyon dito sa conference room ng 35th floor. Wendy is pressuring her team dahil sa mga issues. Nandito ang ilan sa mga Engineers, hawak ng mga ito ang malalaking proyekto dito sa Metro Manila, pero lahat sila ay may kanya-kanyang aberya.
I am just listening to their discussions. Bago ang mga ito sa akin dahil ang background ko sa trabaho ay Finance, but I am not completely clueless when it comes to building contracts since one of the responsibilities I had when I started working in Australia was handling housing loans, may konti akong alam.
"We are working hard for it, Ma'am Wendy. It's our duty to finish on time. But we are not expecting such circumstances. Yong mga materials hindi agad nakarating kaya made-delay kami ng dalawang linggo bago matapos ang proyekto sa BGC."
"Two weeks?" Wendy's response was sharp.
"Yes, Ma'am. We are doing our best to resolve the issues."Tumayo si Wendy. Itinukod niya ang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. "Do you know how much the contractual penalties will be, the cost of overruns, the impact on stakeholders, and the domino effect of this problem, Engineer Jacinto?"
Engineer Jacinto did not response. Kitang-kita ko sa mukha niya na para bang pinagbagsakan siya ng langit at lupa. Hindi lang pala siya, silang lahat na Engineers na nandito ngayon.
Upon my research, Fuentes Builders is one of the largest developers in the country. They do not participate in bidding processes, instead, they are selected directly by major clients. Kaya siguro ganito magreact si Wendy, dahil mataas ang standards ng kompanya.
Nagsalita ulit siya. "That's why we have planning and coordination. What happened? Did you not coordinate, Engineer Jacinto?"
"I did, Ma'am, the delay was due to unforeseen transportation issues caused by a major road closure along the delivery route."
"And whose fault is that?"
Hindi na naman nakaimik si Engineer. Pinapanood ko si Wendy, imbis na mainis ako sa atittude niya, natatawa ako. Ganyan pala siya. Paano kung may natural disasters, would it still be Engineer's fault?
"It's your fault, Engineer Jacinto."
Sabi ko na nga ba. Napangiti ako, hindi ko napigilan ang mahinang pagtawa ko pero agad ko ring inayos ang sarili ko dahil sa akin sila nakatingin lahat, including Wendy. "Sorry." saad ko saka kunyaring nagsulat sa papel na hawak ko.
"Now, gawan mo ng paraan. Because I don't want delays."
"Yes Ma'am." sagot ni Engineer Jacinto.
I was observing. Wendy was irrational and inconsiderate. And no one questioned her words. Once she spoke, it was final.
Mas nakakapagod pala intindihin ang ugali niya kesa sa mismong trabaho na taga lista ng mga minutes of the meeting.
Meeting adjourned!
Paglabas namin ng conference room lahat kami huminga ng malalim. Naiwan si Wendy roon. Ang mga Engineers ay napapailing na bumalik sa kani-kanilang mga desk.
"Sana si Ma'am Jillian na lang ulit humawak ng Fuentes Builders pagbalik niya, buti pa yon nakakaintindi." Napapailing na saad ng isang Engineer, sumang-ayon naman ang iba.
Hindi ako apektado dahil mas iniintindi ko ang trabaho ko. Kanya-kanya kami ng inis kay Wendy, at may personal din akong agenda sa kanya.
Umupo ako rito sa desk ko, binuksan ko ang laptop at tiningnan ang profit and loss statements ng kompanya narito ang mga records. In fairness, mataas ang pumapasok na income sa Fuentes Builders. Sa mga nagdaang taon, according sa trend analysis ito ang kumikita ng malaki, sunod ang Del Rio's winery at pangatlo ang Fuentes Shipbuilders. It was not surprising that it was earning a lot because of Wendy's management style.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.