Italia Gwen Soler
The next day.
Kabababa ko lang ng telepono dahil tumawag ang isang department head. Kinuha ko ang planner at nagsulat ako pero agad ko ring itinigil ang ginagawa ko dahil nakita kong papalapit si Jillian dito sa desk ko, pero hindi siya nag-iisa. May kasama siyang bata, was that Jian?
Oh my goodness, it was her! Magkahawak silang dalawa ng kamay, lahat ng empleyadong malagpasan nila napapalingon sa napaka-gandang bata.
"Italia!" sigaw nito nang makita niya ako. Nakakatuwa dahil natatandaan niya ang pangalan ko, sabagay hindi pa naman ganon katagal nong nagka-usap kami sa video call.
"Jian, don't call her that, wala tayo sa America. Call her Ate Italia." saad ni Jillian.
"Oh, I'm sorry dada. Hi, Ate Italia." Malambing na saad ni Jian saka siya lumapit papunta sa akin at yumakap sa hips ko.
"Hello, Ma'am Jillian." Nakangiting bati ko.
Ngumiti siya nang bahagya. "Hi."
Yumuko ako para yakapin si Jian. "Hello baby, ang cute talaga. Finally, we meet. How are you?"
She giggled. "I'm fine."
Kung wala lang ang dada niya rito baka pinisil-pisil ko na 'tong mga pisngi niya, nakakagigil siya.
"Did you come here to see your tita Wendy?" Hawak ko siya habang kausap ko.
"Yes!" tumango-tango siya.
"Okay, she's inside her office." Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad kami papunta sa opisina ni Wendy. Si Jillian ang nagbukas ng pintuan, nauna siyang pumasok sumunod naman kami ni Jian.
"Tita!" sigaw nitong bata.
Agad na tumayo si Wendy at lumapit kay Jian. "Hello, baby. Buti pumunta ka rito, ampunin na kita?"
"No!" Sumimangot si Jian.
"I'm just kidding." nakangiting saad ni Wendy. Marunong naman pala siyang mag-joke, yon nga lang hindi nakakatawa. "Nasaan si Anne at si Ashley?" tanong niya sa kapatid niya.
"Nasa bahay ng mga in-laws ko. Sabi ko kasi kay Anne sasaglit lang ako rito sa office, itong si Jian gusto sumama kaya ayan, isinama ko na."
"Excuse po, lalabas muna po ako." paalam ko. Nakakahiya kasi na nandito ako habang nag-uusap silang dalawa kaso ayaw bumitaw sa akin itong bata. "Jian, lalabas na ako, ha."
"Dada, can I go with Ate Italia? Because we promised that we're going to play."
Naaalala pa nitong bata ang mga pinag-usapan namin noon, bilib na talaga ako.
"Okay, baby." sagot ni Jillian saka siya tumingin sa akin. "Italia, huwag mong hahayaan na pumunta siya sa elevator. Bigyan mo lang siya ng ballpen at papel sa desk mo o kaya kausapin mo siya nang kausapin para hindi siya maglikot."
"Yes, Ma'am."
Kasama kong lumabas ng pinto si Jian. Ang ganda niya, ang puti at namumula ang mga pisngi. Pinaupo ko siya sa swivel chair saka ko siya binigyan ng ballpen at papel. Magaling siyang magsulat at magdrawing, tapos nagku-kwento siya about stars, at mga planets, even mga ants at mosquitoes binabanggit niya.
"I don't like ants and mosquitoes because they are so mean."
Natatawa ako, kapag bata talaga. Pinagmamasdan kami ng mga ibang empleyado. Nagtataka siguro sila kung bakit kausap ko 'tong batang 'to o pwede rin cute na cute sila sa kanya. Even Engineer Randa lumapit para kausapin si Jian. Hindi snob 'tong bata. Madaldal siya kapag sinimulan mong tanungin, kaso bumaba siya mula sa swivel chair saka naglakad papunta sa naka-display na model house, nakapatong iyon sa ibabaw ng malaking table. New project iyon sa gagawing exclusive subdivision sa Bataan.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.