Wendy Fuentes
Binuksan ko ang messenger ko dahil may message akong natanggap.
["Pahiram ng damit, please?"] si Italia.
"Oh, Italia. Pati ba naman damit." saad ko nang mabasa ko ang message niya. Pero wala akong magawa dahil nandito siya sa bahay ko. Kumuha ako ng damit dito sa closet saka ako nag-reply.
["Kunin mo rito."] utos ko sa kanya.
["Nahihilo ako. Dalhin mo rito."] she replied.
Napapailing akong lumabas ng kwarto saka bumaba ng hagdan. "Italia!" sigaw ko pagkarating ko dito sa tapat ng pinto ng kwarto.
"The door is open. Come inside." Narinig kong sinabi niya. Pinihit ko ang doorknob at itinulak ang pinto. Nakahiga siya sa kama, yakap ang unan. Iniwan ko dito sa tabi niya yong tshirt at shorts.
"Wendy...."
I don't understand why it feels different when she calls me by my name, I mean, without using the word Ma'am. Palabas na dapat ako ng pinto pero huminto ako. "What?"
"Wala akong underwear." Nakatitig siya sa akin.
I looked down at her dahil nakahiga siya. "So?"
"Bigyan mo ako, baka kabagin ako kapag wala akong suot."
"I don't have any extras." sagot ko saka ako lumabas ng pinto. Kahit ang totoo may mga set ako ng mga undies na bago. Pero ayoko siyang bigyan, hindi dahil madamot ako. It's my personal belongings. Bumalik ako dito sa kwarto ko, naligo at nagbihis, saka ako humiga dito sa kama at natulog na.
Napabangon ako ng hating gabi, dahil biglaan ang pagdating ng mga bisita ko. It was Perel, Ellaine and their two children, Vela and Zeus.
Napasugod sila rito dahil aalis si Perel at para ibalita sa akin na nahanap si Lucienne sa isang isla. Hindi kasi ako nakasagot sa mga calls at messages nila dahil ang himbing ng tulog ko. Kung hindi pa tumawag yong guard ng condo sa direct line para sabihing nandito ang kaibigan ko, hindi ako basta magigising dahil nakasilent ang cellphone ko.
"Dito na kami pumunta dahil si Atasha at Frances wala pa sa mga bahay nila." saad ni Ellaine.
"It's alright." sagot ko.
"Wendy, ikaw muna bahala sa mag-iina ko." Si Perel.
"Sure." Bago siya umalis, sinabihan ko siya na kapag kailangan ng transportation pwede niyang gamitin ang chopper ko para mas mabilis siyang makarating doon. Ibinigay ko sa kanya ang contact number ng Pilot ng WF Horrizons.
"Salamat, Wendy." Nagpaalam siya kay Ellaine at sa mga bata saka umalis na.
"Tara na sa taas." saad ko kay Ellaine. May dalawang kwarto sa taas, ang isa occupied na ni Pam kaya sa kwarto ko na lang patutulugin si Ellaine at mga bata. Binuhat ko si Zeus, mahigit tatlong taon ang edad niya. Vela is one year old, karga siya ni Ellaine. Ako na nagbuhat ng bag na dala nila.
"Ayaw kasi ni Perel na maiwan kami sa bahay na kami lang. Wala kaming maid ngayon dahil nasa bakasyon kaya pasensya ka na sa abala." saad ni Ellaine.
"No worries."
Nakayakap sa batok ko si Zeus. Mukhang antok na antok na ang baby boy namin.
"Lalake raw ang anak ni Yana at Lucienne, nakausap ko si Jean kanina lang, nauna sila ni Jo roon. Pero premature yong bata, at si Lucienne nasa critical stage. She was malnourished kaya tinapat si Yana ng doctor na isa lang ang mabubuhay sa mag-ina. Buti nandon si Jean dahil parang nawawala sa sarili si Yana, akala niya patay na si Lucienne at ang nabuhay lang ay ang anak nila."
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.