Chapter 36

1.8K 109 23
                                    


Italia Gwen Soler

📍Palawan, @ Ellaine and Perel's rest house/beach resort.

SIX IN THE EVENING. Pagkatapos namin magdinner lumabas kami ni Wendy at nagpunta dito sa ilalim ng puno ng kasoy. Nasa harapan ito at mga ten meters ang layo sa bahay. 

Medyo maliwanag ang paligid dahil may mga solar lights dito sa labas. Ang sabi ni Ellaine, masarap daw magtambay rito lalo na kapag gabi. Si Atasha at Frances nasa loob, sila ang nag-aalaga kay Vela. Si Ellaine kasi abala sa pagpapaligo kay Zeus, Si Perel naman umalis para kumuha ng mga supply na pagkain at gas, gamit niya ang lumang pick-up truck nila.

Merong higaan dito na gawa sa kawayan, madalas ko makita na naglalaro dito yong dalawang magkapatid kasama si Ellaine. May nakasabit na maliliit na bulb lights dito sa puno na pinapagana ng mini solar panel. Medyo nakakatakot lang yong palaspas ng hangin kapag biglang lalakas, parang sumisipol.

Malamig pero hindi ko alintana dahil mahaba ang manggas ng suot kong damit, ganon din si Wendy.

"Wendy, hindi ba nakakahalata ang mga kaibigan mo sa atin?" tanong ko. Pareho kaming nakaupo rito sa kama.

"I don't know. I don't care." sagot niya.

"Okay lang ba sayo na malaman nila?"

"Maybe."

Maybe?

I couldn't get a straight answer from her.  She's like 'You ask, she answers' but you never really get to the point.

"Fine, never mind. Hirap mo talagang kausap minsan." Tumayo ako para sana bumalik sa bahay pero pinigilan niya ako. Hawak niya nang mahigpit ang kamay ko.

"Huwag kang umalis. Don't you think this moment is romantic? It could be our date."

Tiningnan ko siya, at napatingin din ako sa mga maliliit na ilaw na nagbibigay ng munting liwanag sa amin. Warm lights, a couple of insects flying around, and Wendy trying to be romantic with all her....... effort?

"Romantic? Really?" Medyo doubt ako sa sinabi niya dahil dumadami ang mga insektong lumilipad at kapag nalaglag sa kama gumagapang na lang sila dahil natatanggal ang kanilang marurupok na pakpak. Besides, napakahirap niyang kausap, paano ba magiging romantic ang gabing ito?

"Italia, I know, it's not a fancy date. But it's kind of nice, you know? Simple lang, tahimik at magkasama tayo.....iyon naman ang mahalaga, di ba?" Hinaplos niya ang kamay ko sa pamamagitan ng kanyang daliri.

Todo ang panunuyo niya sa akin, dahil talagang iiwan ko siya rito mag-isa. But she was right. It was a special moment, even if it was a little strange. Tahimik, mahangin, maraming insekto pero holding hands kami... it felt romantic in its own way.

Umupo ulit ako sa tabi niya, hindi ko rin naman siya matitiis. "You're right, let's enjoy the ambiance. Mahilig din naman ako minsan sa mga insektong walang ginawa sa buhay kundi mang-asar."

Nararamdaman kong natatawa siya. Maya-maya lang nawala din ang mga lumilipad dito sa paligid namin at mukhang lumipat sa mas maliwanag na ilaw doon sa harapan ng bahay o baka naman nakulangan sila sa ka-sweetan ni Wendy kaya nagsilayas na lang sila.

Humiga ako dito sa kama, ramdam ko ang lamig ng kahoy na tumatagos sa damit ko at kumakapit sa balat ko, isama mo pa ang malamyos na hangin sa kapaligiran. Nakaupo pa rin siya sa tabi ko, sinulyapan ko ang bahay naririnig ko ang boses nila Frances at Atasha na para bang kumakanta. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Wendy.

"Wendy....."

"Yes?" Tumagilid siya ng upo para tingnan ako.

Nandito siya sa gilid ko kaya hinaplos ko yong tummy niya.

Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon