A/N: Vote first before reading para hindi makalimutan. Then leave a comment. Thank you 🤍💛🧡
°•°•●•°•°
Italia Gwen Soler
Despicable brute! She has no compassion for others. Ngayon nakikita ko na ang totoong ugali niya. The past secretaries were not lying, this person's attitude is really terrible. Tinitigan ko siya ng masama.
"What's your problem, Italia. Kung makatitig ka sa akin parang gusto mo akong saktan." Tinapunan niya ako ng seryosong tingin.
"Don't you have any compassion? How can you speak to him like that? Halata namang may edad na yong tao. And how will they transport yong mga salamin sa loob ng isang araw lang kung manggagaling pa sa ibang lugar? Tapos aalisin mo agad sila kapag hindi nasunod ang gusto mo?!"
Pinanlalakihan ako ng mga mata ni Engineer Randa pero hindi ako nagpa-awat. "You should at least give them consideration, ano ba naman yong isang araw o dalawang araw?"
"You're not afraid of me, are you?" she stared at me. It seemed like she was trying to intimidate me. And her expression suddenly changed, she gave me a sharp look. But I wasn't intimidated.
"Maawa ka naman sa mga tao. They're doing their job not just for you but for their families also." Nanginginig ang mga daliri ko dahil sa kanya. Mukhang hindi ko magagawang mapahulog ang loob niya sa akin. Sa tingin ko magkakaroon talaga ako ng kaaway simula ngayon.
"Oh, Italia, muntik akong maiyak. Don't be so dramatic. As if you're not aware that we are handling business here. Time and quality are one of the most important for me." saad niya.
Napaatras ako nang lapitan niya ako. Akala ko kung anong gagawin niya, napatingin siya sa hawak kong hardhat, kinuha niya ito sa kamay ko saka isinuot sa ulo ko.
"Next time, before you question me. Wear this hardhat first, dahil kapag nabagsakan ka ng semento o bakal dito sa construction site, I'll just look at you lying there because I won't feel sorry for you, and I won't worry because insurance will pay for your funeral expenses."
Kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.
"Give them consideration kawawa naman si Mr. Almonte, matanda na siya tignan mo nagpapakahirap pa. Akala ko ba may puso ka para sa mga matatanda, papunta-punta ka pa sa home for the aged tapos-----"
Bigla kong natutop ang bibig ko. You idiot, Italia!
"Oh, now you're stalking me." Hindi makapaniwala ang mga matang ibinaling niya sa akin.
"N-no, it just happened that you went to the same place I was going to." alibi ko. Hindi ko na alam ang sasabihin. Nabuko na niya ako na sinundan ko siya sa Masayang Bahay Kanlungan.
Hinila ako ni Engineer Randa. "Pasensya na po, Ma'am Wendy. Hindi ata nagtanghalian 'tong si Italia. Kung anu-ano sinasabi."
Wendy's gaze felt like I was being burned. Kung tuyong dahon lang ako baka nagliyab na ako. Pero nakahinga ako nang maluwag nang iiwas niya ang tingin sa akin. Damn you, Wendy! We're not finished yet.
Sandaling tumahimik ang paligid. Mga tunog na nanggagaling dito sa construction site lang ang naririnig. Kinalma ko ang sarili ko dahil mukhang hindi na niya papatulan ang pangingialam ko sa desisyon niya.
"How was the inspection, Engineer Randa, Architect Dayne?" Iniba na niya ang usapan.
"So far, the plans and building codes are being followed, Ma'am Wendy." saad ni Engineer Randa.
Hindi pa naaalis yong inis ko sa kanya dahil sa pagtrato niya kay Mr. Almonte. Pwede naman niyang kausapin ng maayos yong tao. Kailangan ba niyang sindakin!
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.