Seducing The Fire
Special Chapter 02
by: letmebed1Italia Gwen Soler
Six in the evening. "Baby, pupuntahan ko sila mommy at daddy. I think it's time para sabihin ang totoo sa kanila, that I'm going to marry you." I told Wendy.
Nandito kami sa condo niya, nagbibihis ako dito sa tapat ng closet habang naroon siya sa kama, nakaupo. Tumayo siya, nilapaitan niya ako. "Do you want me to go with you?" Hinaplos niya ang buhok ko.
Sinalubong ko ang mga titig niya. "No, huwag muna. Mas mabuting ako muna ang makipag-usap sa kanila. Hindi ko kasi alam kung ano na ang estado ng mga puso nila. I hope you understand." Paliwanag ko sa kanya. Mukhang naintindihan naman niya ang sitwasyon. Besides, ayokong masaktan ulit siya kung sakaling hindi pa rin siya matanggap ng mga magulang ko.
"Of course. Just be careful. Call me when you get there." Lumipat ang kamay niya mula sa buhok ko papunta sa pisngi ko, then she kissed my forehead. Napapikit ako dahil sa init ng mga labi niya.
"Yes, I will." sagot ko, yumakap ako sa bewang niya. Wala kaming imik na dalawa habang magkayakap. Ilang sandali din kami sa ganitong posisyon. Nang bumitaw ako nginitian ko siya. "Huwag mo ako masyadong mami-miss, okay?"
Napangiti din siya ng bahagya. Kinuha ko ang bag ko, palabas na kami ng unit niya. Holding hands kami habang naglalakad patungo sa elevator.
"You can use my car." Suhestyin niya.
Hindi ko dala ang kotse ko, naiwan iyon sa parking lot ng JF Towers dahil madalas magkasama kami at sa kotse niya ako laging sumasakay. "Mag-taxi na lang ako, baby." sagot ko.
Tumango siya. "Okay." Siya na mismo ang nagbook ng taxi. Naghintay kami saglit, pagdating ng sasakyan, nagpaalam na ako sa kanya. Humalik ako sa pisngi niya.
PAGDATING dito sa bahay ng mga magulang ko, tahimik ang paligid at madilim. Medyo naninibago ako. Dati kapag umuuwi ako dito, pagbukas ko pa lang ng gate minsan sasalubong na sa akin ang isa sa kanila, pero ngayon tahimik. Pagpasok ko ng main door sinalubong ulit ako ng katahimikan, madilim ang sala kaya binuksan ko ang ilaw.
"Mommy, daddy?" tawag ko sa kanila. Alam kong nasa loob lang sila ng kanilang silid.
Bumukas ang kwarto na katabi ng sala, lumabas ang mga magulang ko roon. "Italia..." si Mom.
Nilapitan ko sila saka ako nagmano. "I need to talk to you about something important." saad ko.
Mabigat ang pagbuntong hininga ni Mom. "What is it, Italia? Is it about Wendy again?" Umupo sila sa sala, magkatabi sila ni dad.
Sumunod ako, umupo ako dito sa sofa na katapat nila. "Yes, it's about her. Narinig niyo na ang side ni Roanalyn and I heard Wendy's side. Nagtutugma ang mga kwento nila. Ginawa lang ni Wendy ang tama na iwanan si kuya para obligahin siya na maging responsableng ama sa anak niya, but he didn't do it." paliwanag ko.
Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha ng mga magulang ko. Nandoon pa rin yong galit nila kay Wendy. "We've told you, Italia. Hindi namin matatanggap ang babaeng iyon kung iyon ang dahilan ng pagpunta mo rito." Matigas ang puso ni Mom, kahit hindi umiimik si Dad, alam kong iisa lang ang nasa isip at puso nila. They really don't like Wendy.
"I know." Sagot ko. "And I understand your feelings, iniisip niyo pa rin na may pagkakamali si Wendy when in fact she did what was right. That's okay, hindi ko kayo mapipilit na gustohin siya. But I need you to hear me out. This is about my happiness."
Nagkatinginan sila, pero ibinalik din nila ang tingin sa akin. I think they knew na may sasabihin ako na hindi nila magugustuhan. And they were right.
"I want to spend my life with her. I want to marry her." lakas loob kong saad.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.