Italia Gwen Soler
I hate Mondays, ano bang meron sa araw na ito bakit laging inaantok ang pakiramdam ko. I mean, my mind and my body isn't ready for all the bullshits and everything. I wanted to sleep more this morning, pero kulang ang isang oras na preparation ko including breakfast and coffee. Kung hindi lang ako mabilis kumilos baka late ako palagi dito sa trabaho.
Huminga ako ng malalim, then reached for my laptop. There were some emails I needed to check, usually important messages for Wendy that I needed to relay to her. Habang nakaupo ako dito sa desk ko napapahikab ako. Nakatakip ang mga daliri ko sa bibig ko para hindi nila makita ang paulit-ulit kong paghikab. After ko mag-note sa blank paper ng mga important details, kinuha ko naman ang old planner. Then I wrote something in it....
June 9
The boss likes listening to heartbreaking music by the pool. She dislikes being disturbed at night. She dislikes chronic latecomers and insists on safety helmets being worn at all times on the construction site.
She may not be the most compassionate towards her employees, but I suppose it's because she wants to get the job done on time. She is meticulous, highly organized, punctual, and cooks delicious food.
I met one of her friends, and they are completely different. Her friend is cheerful, kind, and cool, while the boss has the opposite personality.
Isinara ko ang planner at ibinalik ito sa loob ng drawer. Inaantok ang pakiramdam ko at dahil wala pa si Wendy ipinikit ko muna ang mga mata ko habang nakatakip ang palad ko sa mukha ko at nakatukod ang siko ko sa armrest ng upuan.
Naririnig ko ang paligid ko dahil half-awake ako. Hindi ko hinahayaang mauwi sa tulog ang ginagawa ko, kailangan ko lang ipikit ang mga mata ko at i-relax ang buong katawan ko for a few minutes para ikondisyon ang sarili ko.
"Secretary Italia, nandyan na si Ma'am Wendy!"
Agad akong napamulat ng mga mata at inayos ang upo ko nang magsalita si Engineer Randa. Huminga ako ng malalim, I looked at my face in the mirror on my desk to check if I looked presentable. Nang masiguro kong maayos ang itsura ko tumayo ako para i-relay kay Wendy ang schedule niya today.
Natuto na ako sa pag-aayos ng mga schedules niya. Hindi pwedeng mag-overlap ang site visit at ibang schedules niya sa pakikipag-meeting. Thanks to Engineer Randa, dahil sa kanya madali kong naintindihan ang trabaho ko. Lalapitan ko sana si Wendy pero siya mismo ang lumapit rito sa desk ko.
"Good morning, Ma'am." binati ko siya.
Bahagya siyang tumango bilang response sa sinabi ko. "Italia, get me a vase for the flowers." utos niya.
"Yes Ma'am." nagpunta ako rito sa stockroom na katabi ng pantry. Naghanap ako ng vase, may nakita akong payat na mahaba. Nilagyan ko ito ng konting tubig saka ibinigay kay Wendy. "Here."
Nang hawakan niya ang vase halatang natigilan siya. "Did you put water in it?" Nakakunot noong tanong niya.
"Yeah." sagot ko.
"Why?" tanong ulit niya.
Is this an exam? I mean, why is she asking why there's water in the vase? This person is really something else.
Umiling ako, nagkibit balikat. "Because since 1500s or baka mas matagal pa, nilalagyan na ng tubig ang mga vase para hindi agad malanta ang mga bulaklak, right?"
"Oh, you're a historian now." sarkastiko niyang saad.
"Yeah, it has a long and rich history." sagot ko. Akala niya magpapa-apekto ako sa pagiging sarcastic niya. Hinanda ko talaga ang katawan at isip ko kanina dahil alam kong mangyayari na naman ito.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.