Italia Gwen Fuentes
The next day, pumasok ako rito sa office. Agad na lumapit si Engineer Randa dito sa desk ko.
"Iba ngayon ang boss natin." saad niya.
"Kaya nga, eh. Anong klaseng boss ba si Sir Jethro?" tanong ko kahit may konti na akong alam tungkol sa taong yon, playboy daw. Siya ang acting president habang wala si Wendy.
"He's cool, hindi siya mahilig mang-pressure. After work, minsan nag-aaya siya ng inuman. Barkada sila ni Architect Dayne. They often play basketball."
"You mean totoong basketball?"
Tawang tawa si Engineer Randa sa tanong ko.
"I'm sorry, Engineer, sa tanong ko. Naninigurado lang ako." dugtong ko. Natatawa na rin tuloy ako.
"Yeah, I guess. There's no rumor about them being gay, and they actually participate in the company basketball league together."
"I see."
"Isang linggong magiging masarap ang buhay mo ngayon, Secretary Italia. I'm sure of that."
"I hope so." saad ko.
First day ni Sir Jethro as acting President. Okay naman siyang boss, at mukhang hindi naman ako type dahil hindi naman siya nagpa-cute sa akin. More on approvals and meron siyang meeting na isa, lahat yon nasa tabi niya ako para ibigay lahat sa kanya ang mga kailangan niya. Then bukas kasabay ng pag-alis ni Wendy papuntang U.S., papunta naman kami sa Baguio City para sa site visit.
Niyakap ko na ang trabahong ito sa loob ng almost three months. The pay isn't as high as what I used to earn in my job in Australia, but considering my expenses here in the Philippines where I don't pay rent, and my dad gave me the car I use. Wala akong masyadong gastos kaya wala akong problema.
Pagdating ng uwian, mukhang matutuloy na ang pagkikita namin ni Arvie. Sabi niya naroon na siya sa Café Syudad, kaya nagmaneho na ako papunta roon.
Ilang minutes ang lumipas nakarating na ako rito. Nauna siyang dumating, nakaupo na siya at may nakahain na sa kanyang ice coffee.
"Hi, Arvie." saad ko.
"Nandiyan ka na pala, Italia. Hindi ko napansin." Tumayo siya nakipagbeso sa akin, kinawayan ko naman si Pure na naroon sa may counter. Ngumiti lang siya.
"What happened? It's been almost three months. Still no progress?"
Isa lang ang tinutukoy niya. About seducing Wendy. At medyo nainis ako sa tanong niya.
"Arvie, do you know how much time and effort I've wasted on this plan? Why don't you try to win over Wendy? You seem to be in a hurry."
"She knows me, so your idea won't work. Calm down, pasensya ka na kung nainis ka sa sinabi ko."
Kinalma ko agad ang sarili ko dahil ayokong makaaway itong si Arvie. Tinawag ko si Pure para samahan kami dito sa table, agad naman siyang lumapit at umupo dito sa tabi ko.
"Balik tayo sa usapan, Italia. Nakilala mo na bang maigi si Wendy?" Arvie asked.
"Yeah. At first, she was hard to understand. She will intimidate you to avoid her. But as time went on, nagagawa ko na siyang kulitin. Kagabi niyaya ko siyang lumabas para icelebrate yong despedida niya after work."
Nakikinig sila habang nagku-kwento ako.
"Tumanggi siya. But when I told her aalis na lang ako dahil may date ako biglang nagbago yong isip niya and then isinama niya ako sa carinderia, sobrang init doon pero you know what guys, I enjoyed the food and the music and-----"
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.