Italia Gwen Soler
AFTER dinner tulala ako habang nakaupo dito sa sofa. Hindi ko akalain kumain ako ng isa sa mga kinakatakutan ko. Hindi na ako magtitiwala sa kanya sa susunod. Ayoko nang maulit 'to.
"Mukhang nag-enjoy ang secretary ko sa kinain namin, i'll invite you again for dinner next time." Patuloy niyang pang-aasar. Tiningnan ko siya saka ko siya inirapan ng matindin. Gusto kong maramdaman niya na hanggang kaibuturan ang galit ko sa kanya.
Nakatayo siya sa gilid ng maindoor, nakabukas yon dahil pinapanood niya ang ulan kanina. Nang tumalikod siya tumayo ako saka ako yumakap sa likod niya. Agad siyang nag-react.
"Italia, what are you doing?!"
Let's see how far she can handle my presence. I know she doesn't want someone invading her personal space. Ngayon, pinasok ko na.
"I just want to hug you, I feel cold."
"Hey! Get off me!" She tried to remove my arms wrapped around her waist. Baka nag-aalala siyang makita kami ni Pam. "Dammit, Italia-----"
"Okay lang kayong dalawa?"
Natigilan siya nang magsalita si Pam. While I'm here, nakakapit sa likod niya. At ito ang hinihintay ko, makaganti sa kanya!
"Yeah, we're fine." sagot ko. "She asked me to hug her. Nilalamig daw kasi tong kaibigan mo and she needs someone to warm her up."
Nginitian ko si Pam, napangiti rin siya.
"I never said that, Italia!"
"Oh, I never said that I want to eat frogs too!" sagot ko sa kanya.
Nakadikit ang mga labi ko sa likod ng balikat niya. At ito ang unang pagkakataon na madikit ako sa kanya ng sobra. Ang init ng likod niya, it felt nice to be close, lalo na malamig ang panahon dahil sa matinding ulan.
Natatawa si Pam, at napapailing habang pinapanood kami. Pero halatang wala siyang pakialam dahil umupo siya sa sofa at itinuon ang atensyon niya sa cellphone na hawak niya.
"Italia, bitawan mo na ako." Naging mahinahon ang boses ni Wendy. Na para bang nakikiusap siya na lumayo ako sa kanya.
"No. I don't want to." Mas lalo kong idinikit ang harapan ko sa likod niya.
"Italia! Stop it!"
"Stop it? Kanina pinapatigil kita na lagyan ng ulam yong plato ko but you made fun of me! Now, why don't you just enjoy my hug like how I enjoyed eating frogs."
Mukhang sumuko siya dahil biglang bagsak ng mga balikat niya at ang mga kamay niya na kanina pang pilit inaalis ang mga braso ko sa tiyan niya ay hindi na naging mapwersa.
"Fine, hindi na ulit kita pakakainin ng palaka. Just let go of me. Come on..."
She caressed my hand, ikinatayo iyon ng mga balahibo ko sa batok at mga braso, the weirdest part parang may gumuhit na kiliti sa puson ko. Para bang dinaluyan ng malakas na boltahe ang mga ugat ko dahil sa ginawa niya.
What's going on? Napabitaw ako sa kanya.
Hinarap niya ako. Bigla akong natahimik dahil ina-analize ko kung bakit ako ginapangan ng kuryente sa katawan nong haplusin niya ang kamay ko.
"Mauna ka nang maligo." kung hindi pa siya nagsalita baka naging estatwa na ako rito sa kinatatayuan ko. Agad akong nagtungo dito sa banyo para magtoothbrush at maligo.
Natutulala ako hanggang dito sa loob ng banyo. Imposible, hindi ako pwedeng makaramdam non. At kapag nalaman ng kaibigan kong si Pure ang nangyaring ito, sigurado akong tatawanan niya ako. Binalewala ko na lang kung ano man yong naramdaman ko kanina, normal lang siguro iyon.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.