Author's Note: Here's a sneak peek at this chapter. Wala pa ito sa kalahati ng kabuuan ng chapter na ito, but it's still pretty long.
Here's how you can get the FREE PDF of this chapter:
1.Vote and comment directly on this chapter (Special Chapter 5).
2. Take a screenshot of your comment.
3. Send the screenshot to johansenlatrel@gmail.com.I won't accommodate yong mga comments na "emojis/TY", I still appreciate it guys. Pero mag-effort naman kayo kaunti. Kailangan pang-MMK at maiiyak ako sa comment niyo. Char! :) At least man lang connected sa story yong comments niyo.
Sa mga nahihiyang magcomment, you can get the chapter for only 15.XX by sending a payment to gc*sh# 0976-022-0005. Then, email me a screenshot of your proof of payment. :)
Ngayon pa lang gusto ko nang magpasalamat sa inyo, sa suporta niyo. Abangan niyo yong story ni Atasha Heinrich, not sure kung kelan ko siya ilalabas. Kung this month, next month o next year. I don't know. Ready na siya, ako lang hindi pa. :)
So ito na......
_______________________________
Italia Gwen Soler
Four years later
Wendy and I decided to sell the condo unit last year at lumipat kami dito sa exclussive subdivision. We chose a house with a spacious front and backyard kung saan malayang makakapaglaro ang mga anak namin. Lumalaki na kasi sila at gusto nilang naghahabulan at madalas gusto nilang kumanta.
Nandito kami sa sala, binuksan ng asawa ko yong speaker at TV screen. Ganito kami kapag wala siyang pasok nandito kami sa bahay para magbonding.
"Mama Wendy!" sabay na saad ng kambal na sina Ahlina Sydney at Ahliya Spain, three years old. They have wavy hair, fair skin, bilugin ang kanilang mga mata. Si Sydney ang panganay sa kambal. Magkaiba sila ng ugali pero pareho silang malambing pagdating sa amin ng mama Wendy nila.
Namana din nila kay Wendy ang hilig sa pagkanta, and they also love to dance. Tig-isa sila ng mic na hawak, gusto na nilang kumanta. Hinihila nila yong damit ng Mama Wendy nila, at kung saan ito pumunta nakasunod sila palagi.
Napapangiti ako habang Pinapanood ko silang tatlo, hindi mapakali yong dalawa, panay ang pangungulit nila.
"Mama Wendy, let's sing." Malambing na saad ni Sydney. Nakakapit siya sa isang kamay ni Wendy. Naroon din si Spain nanggugulo sa kanila.
"Yeah, just wait babies. Kukunin ko lang yong meryenda, okay?" Saad ni Wendy, napatingin siya sa akin, natatawa siya dahil sa dalawa. Nagpunta silang tatlo sa kusina para kunin yong mga hinanda niyang snacks kanina. Nagluto siya ng spaghetti at gumawa siya ng sandwich.
"Ah-mah-mah! Mah-mah!"
Napayuko ako, nakakapit sa binti ko ang babyboy namin na si Ashton Tokyo, one year old. Nakakapaglakad na siya pero lagi siyang dumidikit sa akin para magpakarga. He's only wearing a diaper and white tshirt. Isinubo niya yong hawak niyang tsupon saka itinaas ang mga kamay, nakatingala siya at patalon-talon. Nagmamakaawa siyang magpabuhat. He's chubby, at kagaya ng mga Ate niya wavy ang kanyang buhok at bilugin din ang mga mata. Hindi siya nakikipag-agawan ng mic dahil mas gusto niyang magpakarga. "Mah-mah, mah-mah!" Lumakas yong boses niya, naiiyak na.
"Oh, Tokyo. Kabababa ko lang sayo, wala ka pang ten minutes na naglalakad gusto mo ulit ng karga?" saad ko.
Hinihila niya yong damit ko, itinataas niya yong paa niya dahil gusto na niyang umakyat sa binti ko, pero nakuha yong atensyon niya nang makita niyang pumasok ulit dito sa sala yong tatlo.
BINABASA MO ANG
Seducing The Fire (Wendy Fuentes) GXG ✔
Romance[Completed] Mature content | R-18 | SPG | Girl's Love 🔞 She was Wendy Fuentes-----vocalist, successful businesswoman, beautiful....ALOOF.