Kapitulo siete

154 7 0
                                    

Katherine's POV

"Here we are." wika ni tita Patricia pagkababa na pagkababa namin ng kotse.

"Tita kailangan ba talaga? Uwi nalang tayo." pagpupumilit ko sa kanya.

"Katherine we already talked about this. Hindi pwede."

*Ding *Dong

Tita Patricia rang the bell tapos ako naman nasa likod nya nagtatago.

Bakit nga ba ako nagtatago?

"Sino sila?" bungad ng isang kasama sa bahay nina Ms. Irene.

"Hi po. Ako po si Patricia, kapatid ko po si Greggy. Eto naman pong nasa likod ko ay anak nya." pagpapakilala ni tita sa matanda.

"Pasok kayo." she opened the door wider to let us in pero hindi ako pumasok nanatili lang akong nakatayo dito sa tapat ng pinto at naka-cross arms, dahilan para mapalingon sa akin si tita.

"Katherine what are you doing? Pumasok ka na."

"Ayaw ko tita. Na-uh." sabi ko habang ineextend ang right index finger ko and moving it from side to side to say no.

"Para kang bata. Pumasok ka! Dali na!"

"Pilitin mo muna ako." pangaasar ko pa.

"Isa!"

"Dalawa." ngayon ako naman ang bumilang.

"Katherine." saad ni tita habang binibigyan nya ako ng huwag-mo-akong-inisin look.

"Fine." I rolled my eyes.

"Hello po! Good to see you again." sambit ko at pilit na ngumiti kina Ms. Irene at Sir. Greggy, kahit naman ay galit ako ay may respeto pa rin ako sa kanila. Hindi ako pinalaking bastos nina nonna noh! Nadala lang talaga ako ng mga emosyon ko nung huli kaming nagkita, kaya nagawa ko silang sagot-sagotin.

"Hello sweetheart." ngiti ni Ms. Irene at akmang makikipag beso at hug sa'kin kaso umurong ako ng kaunti dahilan para hindi na matuloy ang gusto nyang gawin.

Nakakarami na s'ya ng hug. Ayaw ko na! Hindi ako mahilig sa mga physical touch na yan.

"Uh- salamat po for inviting us. Ang ganda din po ng bahay nyo." sambit ko kaagad kasi na-guilty ako, nakita ko kasi sa mata nga na nasaktan s'ya sa ginawa ko.

Nasaan ba ang mga kapatid ko? Sabi ni tita gusto nila akong makilala pero wala sila. Echosera din si tita minsan!

"So let's go. Upo tayo." panimula ni Sir Greggy.

"So Katherine. Do you mind if I call you Ely?"

"Okay lang po. Kung yan po ang gusto nyo okay lang." nag-okay din ako gamit ang aking thumb.

"Good. Actually your siblings wanted to meet you but we explained that baka hindi ka pa ready na makilala sila so we wanted to take it slowly."

"Ganun po ba? Okay lang naman po sa akin kung ngayon ko sila ma-meet, actually nakilala ko na nga po ang isa nyong anak, si Celestine po." paliwanag ko.

"Hindi namin anak si Celestine, she's your tita Aimee's daughter. Didn't your mommy tell you that?" sambit ni Sir Greggy.

Mommy ampucha? No! No! No! Ayaw ko.

Ngumiti lang ako at umiling.

"Katherine. Behave." pagbabanta ni tita Patricia na para bang kakatayin ako kung hindi ako umayos.

Fine I won't be myself muna baka kasi maging uncomfortable ang mag-asawa sa'kin pag ginamit ko ang dark humor ko at paalisin nila ako ng bahay nila nang wala sa oras.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon