Nakatitig ako sa bintana ng van habang papalayo kami mula sa Batangas. Alam mo 'yung pakiramdam na parang gusto mo pang magtagal sa isang lugar, pero hindi puwede? 'Yun, ganon ang pakiramdam ko ngayon. Masaya 'yung mga araw na magkasama kami ng mga kaibigan at tita ko.
Parang bawat oras ay punong-puno ng halakhakan at walang katapusang kwentuhan. Ang saya ng hangin sa beach, tapos heto kami ngayon, unti-unti nang papasok sa Makati.
Parang hindi mo maramdaman 'yung bigat ng traffic habang may mga kasamang totoo, 'yung mga kakilala mong kahit mag-stuck kayo ng dalawang oras, hindi mabobored. Pero ito nga, tapos na ang saya at pahinga. Back to reality na ulit—back to the daily grind. Pero sa totoo lang, kailangan ko rin namang bumalik. Hindi naman puro fun ang buhay.
Charot summer break na kami kaya wala lang talaga akong ginagawa.
"Grabe, namiss ko 'yung higaan ko," sabi ni Mackie habang naka-slouch na sa seat niya.
Napa-chuckle nalang kami, kasi totoo, kahit gaano kasaya ang mga activities namin sa Batangas, nothing beats the comfort of your own bed. Pero come to think of it, parang mas gusto ko pa rin mag-stay dun kahit hindi comfortable yung kama."Sus, feeling ko nga after two days, gusto mo na ulit mag-beach," sabi ni Tita Imee.
Tama nga naman. Sa sobrang dami ng ginawa namin, parang gusto ko nang bumalik ulit as soon as possible.
Day 3 namin sa Batangas, sinabak agad kami sa trekking. Ang aga-aga, tas ganun agad? Pero sige, game naman lahat. Ang hirap akyatin nung bundok, pero kapag nasa taas ka na, wala ka nang ibang masasabi kundi worth it. Ang view, grabe. Halos kita mo lahat ng nasa paligid, mula sa bundok, sa dagat, hanggang sa mga maliliit na bahay na parang mga dots lang sa malayo. Sa totoo lang, kahit hirap na hirap ako, hindi ko maalis ang ngiti ko. Pero si Ms. laging nasa tabi ko. Sa tuwing medyo bumabagal ako dahil hindi ko na kaya, andyan siya, hinihintay ako, tinatanong kung okay lang ako. "Alam mo, anak, kung hindi mo kaya, we can rest muna." Pero, knowing her, hindi lang simpleng tanong 'yun. May halong concern talaga.
Tapos ng gabing 'yun, sobrang lamig ng simoy ng hangin habang nagka-campfire kami. Hindi naman ako mahilig sa marshmallows, pero andun kami, nagsusunog ng marshmallows, sinasabihan ako ni Elijah na lagi kong nasusunog 'yung akin. 'Di ko alam kung paano ko nagagawa, basta sunog lagi.
"Anong klaseng marshmallow roasting yan, Katherine?!" Sigaw ni Elijah.
Pakielam mo? Joke lang.
Sa Day 4, nag-scuba diving kami. Isa 'yun sa mga experiences na talagang hinding-hindi ko makakalimutan. Nung nasa ilalim na kami ng dagat, ibang-iba pala talaga. Ibang mundo. 'Yung mga isda, parang maliliit na palatandaan ng buhay sa ilalim ng dagat na hindi natin madalas makita. Pati 'yung mga coral, akala mo fragile sila, pero andun sila, tumatagal ng matagal na panahon. Halos hindi ko na nga namalayan na malapit na akong maubusan ng hangin kasi sobrang enjoy ko. At kahit medyo nakakatakot 'yung idea na nasa ilalim ako ng tubig, hindi ko rin maiwasan ang excitement. Nang umangat kami, wow, ibang-iba 'yung saya. Tapos pagkatapos ng activity, inabot na ako ng pagod. Hindi ko na nga namalayan, tulog na pala ako sa buong biyahe pabalik sa hotel. Si Ms. naman, alaga pa rin. Siya 'yung nag-aayos ng mga gamit ko habang ako, hilik lang nang hilik sa tabi.
At siyempre, hindi mawawala ang huling gabi. Bonfire ulit. Pero this time, may kaunting serious na usapan. Tumabi sa akin si Ms., tapos nagtanong siya, "Kumusta ka na talaga, anak? May bumabagabag pa ba sayo?" Para siyang curious kung ano ang naiisip ko after all the fun. Kaya 'yun, medyo napaisip ako. Kumusta nga ba ako? Ang hirap sagutin, pero parang gusto ko nang sabihin na... okay lang. Masaya ako, pero parang may kulang. Hindi ko lang alam kung ano.
Balik na kami sa city ngayon, at habang nasa van, hindi ko mapigilang maisip ulit 'yung tanong ni Ms. Kumusta nga ba ako?
Pagdating ng Makati, akala ko madali lang ulit makabalik sa routine. Pero after just one night, eto na naman ako, hindi makatulog. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, at pinipilit na lang na mapagod ang sarili. Pero wala talaga. Siguro nga, bumalik na naman 'yung insomnia ko. Nakakainis lang kasi, 'yung katawan ko gusto nang magpahinga pero 'yung utak ko, tumatakbo pa rin.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.