Kapitulo treinta

127 7 0
                                    

Katherine's POV

Nandito kami sa kusina ni Ms. Irene, at habang abala siya sa pag-iipon ng mga sangkap para sa pasta na lulutuin nya, pinilit kong tumayo mula sa upuan at lumapit sa kanya.

"Ano pong pwede kong gawin?" tanong ko, kasi naman, hindi naman pwedeng nakatunganga na lang ako dito at panoodin siyang magluto. Parang unfair naman 'di ba? Si Ms. Irene ay abala, at ako? Nakaupo lang dito sa tabi, parang ewan.

"You know how to cook?" Napangiti si Ms. Irene sa akin, na parang natuwa siya sa pagkukusa ko.

"Hindi po. Pero pwede niyo po ba akong turuan?" sagot ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na matuto, at ayokong palampasin ito.

Napangiti si Ms. Irene, halatang nae-excite sa idea. "Okay then. Here, I'll give you the instructions. Let's cook together," sagot niya, na parang natuwa siyang may kasama siya.

At dito na nagsimula ang aming culinary adventure!

Habang abala siya sa pag-prepare ng mga sangkap, binigyan niya ako ng step-by-step na gabay. Habang nagkukwentuhan kami, tinanong niya ako kung anong gusto kong gawin. Sinabi ko na wala akong ideya kung ano ang kailangan gawin.

Pinaliwanag niya kung ano ang gusto niyang ipagawa sa akin—simple lang naman, pero para sa akin, malaking bagay na yun.

Hinila ko ang stool malapit sa kanya at sinimulan niya akong turuan. Una, simple lang—maghiwa ng bawang. Napaka-basic, pero sa akin, parang level 100 na agad ito.

"You cut it like this" sabi niya, pinakita kung paano dahan-dahang hinihiwa ang bawang gamit ang kutsilyo. Ginagaya ko siya, pero halata ang kaba ko, kaya ang ending, halos pulp na ang bawang ko. Pero sige lang, fight lang!

"Perfect! Pwede na tayong gumawa ng garlic confit," biro ni Ms. Irene, halatang tinatago ang tawa.

Tumingin ako sa kanya at nagtawanan kami. "Sorry po, I think minurder ko yung bawang," sabi ko.

Sinunod niya akong turuan kung paano maghiwa ng sibuyas. Ang sibuyas—isa sa mga bagay na madali magpaluha ng kahit sinong tao, literally. Kaya nung nag-umpisa akong maghiwa, boom—may mga luha agad na tumulo.

"Okay ka lang, anak?" tanong ni Ms. Irene, nag-aalala.

"Okay lang po... 'Di ko po expected na magiging emotional pala itong pagluluto," sagot ko habang pinapahid ang mga mata ko, kunwari seryoso pero natatawa sa sarili kong kalagayan.

Nang makatawid na ako sa level na iyon, lumipat ako sa ibang sangkap. May itlog, at kailangan daw iyon para sa sauce ng pasta. Sabi ni Ms. Irene, i-crack ko ang itlog sa bowl. Simple lang, pero dahil may curse yata ako pagdating sa itlog, ibang disaster ang nangyari.

Nang i-crack ko ang itlog, sumablay.

Yung yolk? Diretso sa trashcan. Yung shell? Nasa bowl. Napatitig ako sa gulo, tapos na-face palm na lang ako.

Ewan ko ba.

Nagawa ko na yata ang pinaka-weird na culinary accident sa history.

"Ang galing mo naman, anak! After this, pwede ka nang sumali sa MasterChef," biro ni Ms. Irene habang tumatawa, hawak ang tiyan niya sa sobrang saya.

"Paano po ba sumali? May grand prize po ba ng isang taon ng supply ng itlog?" sagot ko, nakangiti habang pinipilit na linisin ang kalat ko. Ang saya palang kasama ni Ms. Irene sa kusina. Parang masaya kahit sablay.

"To cook with patience!" sabi niya, kunwaring seryoso, pero tumatawa pa rin.

"Okay, noted po. Pero mukhang patience is not my best ingredient," sabi ko na may halong asar sa sarili ko.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon