Kapitulo cuarenta y cuatro

162 12 3
                                    

Katherine's POV

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ni Daddy nang maisipan niyang yayain akong mag-bonding. Siguro, bored na siya sa corporate meetings at makapal na folders ng contracts, kaya naman he decided to spend time with his favorite (and only) daughter—ako 'yon.

Nagulat ako nang pumasok siya sa kwarto ko, hindi sa normal niyang corporate attire na pang-business meetings, but naka-casual—jacket at sneakers. Medyo napatigil ako sa pagpi-play ng game sa phone ko.

"Oh... Daddy? Are you lost?" biro ko, kasi hindi ko usually nakikitang ganito siyang ka-relax. As in, seryoso, akala ko naligaw siya papunta sa ibang bahay.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki, tipong parang politiko na may balak mangumbinsi ng botante. "Ely, anak, bonding tayo."

Halos mabilaukan ako sa hangin. "Bonding? Sino po kayo, at ano ang ginawa niyo kay Sir Greggy?"

Tinawanan lang ako ni Daddy. "Anak, I know I've been busy lately, but I want to make it up to you. Kaya let's spend time together, alright?"

Wow. Nag-a-attempt si Daddy maging close!

Okay, Katherine, wag ka na magulat, baka mamaya mag-backout siya, sabi ko sa isip ko.

Kaya naman, nag-ayos ako sa harap ng salamin. Okay, hindi naman ako nag-ayos ng bongga—chill outfit lang, jorts at t-shirt, pero parang ang dami kong pinagdaraanan sa pag-aayos.

"Ely, ready ka na?" tawag ni Daddy. Sabay kaming bumaba mula sa kwarto.

"Ready na po! Pero saan tayo pupunta?" Tanong ko, medyo nag-aalangan pa. Minsan kasi, ang bonding moments na 'to ay humahantong sa boring meetings o kaya ay grocery shopping na hindi ko alam kung bakit pang-bonding.

"Surprise."

Okay. Ibig sabihin nito, walang clue. Fine. Bahala na. Sinubukan kong wag isipin na baka idaan lang ako ni Daddy sa office niya para ipa-review sa akin ang bagong presentation deck niya for the next board meeting.

Dumating kami sa isang lugar na—wait for it—arcade. Yes. Sa isang arcade. Para kaming dalawang out of place na nilalang doon. Lalo na si Daddy, na parang hindi sure kung gagamitin ba niya yung kamay niya to insert tokens or just swipe his credit card for everything.

"Daddy, you sure this is where you want to bond?" tanong ko, trying not to laugh habang tinuturo niya yung skee-ball machine na para talagang nangangailangan ng advanced degree to understand.

"Of course, anak. I heard from your kuyas, masaya raw dito," sagot niya habang nakatingin sa mga laruan na napapanalunan ng tickets. He probably saw the stuffed toys and thought this was going to be an easy bonding activity.

Pinanood ko si Daddy na nag-try maglaro ng skee-ball. Let's just say, hindi niya ito forte. Ang mga bola na dapat ay sa middle, napunta halos lahat sa pinakamababang points. Yung isa nga, muntik na niyang ihagis sa labas ng lane.

"Uh, Daddy... baka mas ma-enjoy mo to," sabi ko, tinuturo ang basketball machine. Alam ko competitive siya, kaya sigurado akong mas trip niya to kaysa sa tinatarget yung butas ng bola.

Pumayag naman siya at naglaro ng basketball. Aba! Aba! Aba! Nag-transform si Daddy into Michael Jordan real quick. Halos hindi ko na mahabol ang bilis ng mga shoot niya. Parang board meeting lang, focus na focus siya, tapos winning streak!

Habang naglalaro siya ng basketball machine, napansin ko ang mga bata na nakapaligid sa kanya. "Sige na, Daddy, tira mo! Go!" sabi ko, nag-cheer ako na parang nasa PBA Finals. Pero sa totoo lang, mukha siyang nababaliw sa kakasalo ng bola.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon