Kapitulo catorce

115 7 17
                                    

Nasa Batangas na kami. As in, finally.

Well deserved vacation.

Kasama ko si Tita Patricia at si Nonna, nakarating din kami sa anniversary celebration nina Small Laude at Philip Laude. Napaka-grand ng lugar—may mga lights na nakabitin sa puno, parang movie set ang buong paligid. Perfect for the rich and famous, na para bang lahat ng tao dito ay naglakad nang diretso palabas ng isang glossy magazine.

Alam mo 'yung mga lugar na parang postcard? 'Yung tipong pag tingin mo sa paligid, hindi mo alam kung saang parte ng landscape ka unang titingin kasi lahat maganda. Ang fresh ng hangin at 'yung dagat—grabe.

Pagka-check-in namin sa hotel, binaba ko agad ang mga gamit ko. Medyo chill lang si Nonna, typical na classy and elegant na lola. Si Tita Patricia naman, as usual, hawak-hawak ang phone na parang may tinatapos na business deal kahit nasa bakasyon kami. Ako? Well, eto bored.

"Nonna, Tita, labas muna ako, ha? Tingnan ko lang 'yung setup sa party," sabi ko, hawak-hawak ang bag kong maliit.

"Sure, darling, pero huwag kang magtatagal ha. Mag-iingat ka." sagot ni Nonna habang pinapaayos ang mga sapatos niya sa bed.

"Oo naman, sandali lang ako. Baka makapag-offer ng tulong."

Pagdating ko sa venue kung saan gaganapin ang anniversary party, namangha ako. Parang na-set up ang buong lugar para sa isang royal wedding. Ang daming mga tao na nag-aayos ng mesa, bulaklak, at mga ilaw. Kahit busy sila, parang graceful pa rin lahat ng kilos nila, tipong hindi pinapawisan kahit pa ang init ng araw.

"Wow," bulong ko sa sarili ko.

Lumapit ako sa isang babae na mukhang nag-oorganize. "Hi, do you need any help? Kaya ko pong tumulong kahit simpleng mga bagay lang."

Tinapunan niya ako ng mabilis na tingin bago muling nag-focus sa clipboard niya. "Actually, yes. Puwede ka bang mag-arrange ng mga flowers sa left side ng aisle?"

"Sure! Walang problema," sabi ko, sabay kuha ng mga bulaklak mula sa tray na nasa tabi niya.

Sumabak na rin ako sa pag-aayos ng mga gamit, especially sa pag-arrange ng mga decors. Sa totoo lang, nag-enjoy naman ako. Medyo therapeutic din. Pero dahil sa focus ko, ramdam kong nag-iiba ang aura ko. Kapag ganito kasi ako—seryoso, trabaho mode—parang hindi ako approachable. Parang walang gustong mag-abala sa akin dahil nakikita nilang malalim ang iniisip ko, kahit simpleng pag-aayos lang naman ng table cloths ang ginagawa ko.

Nakayuko ako, busy sa pag-aayos, nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod.

"Whoa!" Nagulat ako, muntik ko nang mahulog ang bulaklak na hawak ko.

Paglingon ko, nakita ko si Ms. Irene. For a moment, hindi ako naka-react. Hindi ako sanay na niyayakap niya ako ng ganito.

"Anak, ang galing mo namang tumulong dito," sabi niya, hawak pa rin ako sa braso. May ngiti sa mukha niya na parang hindi ko alam kung paano bibigyan ng kahulugan.

"Ah, eh... thanks po," sagot ko, medyo awkward. Hindi ko alam kung paano umayos sa ganitong mga biglaang moments.

"Ang dami mong ginagawa, ha? Nakakatuwa naman," sabi pa niya, nakangiti habang tinitingnan ang mga inaayos ko.

"Eh, gusto ko lang po kasing maging helpful, kahit papaano" sagot ko, sabay kindat na pilit.

Hindi ko maiwasan na medyo stiff ako sa kanya. Hindi ko pa rin kayang maging natural sa mga gestures niya. Alam mo 'yung pakiramdam na kahit gusto mong maging casual, may maliit na boses sa isip mo na nagsasabing "Careful. Baka masaktan ka ulit."

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon