Disclaimer: This chapter contains sensitive topics (self harm.) Reader discretion is advised. Read at your own risk.
Katherine's POV
"Katherine, umuwi ka muna. Magbabayad pa ako ng hospital bills at aasikasuhin ko pa ang burol ni mommy," utos sa akin ni Tita Patricia habang inaayos ang mga papel sa ospital. Tuyo ang boses niya, parang natutuyo na rin sa bigat ng lahat ng kailangan niyang ayusin.
Napatitig ako sa kanya. Wala siyang makikita sa mukha ko—walang reaksyon, walang emosyon. Tahimik lang. Pero sa loob ko, parang may tsunami na. Ang lungkot, galit, dismaya—lahat ng klase ng masakit at mabigat na emosyon, parang nagwawala na. Pero hindi ko pwedeng ipakita. Hindi ko pwedeng maramdaman.
Tumango ako sa sinabi niya, kahit hindi naman talaga ako sigurado kung naiintindihan ko ang lahat. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko, handa nang umalis. Pakiramdam ko, gusto kong tumakas sa bigat ng ospital na 'to, sa mga alaala, sa amoy ng antiseptic at mga makina na nag-alaga sa huling oras ni lola.
"Wait, anak, where are you going?" pagpipigil sa akin ni Ms Irene. Hinawakan niya ang braso ko, parang natatakot siyang iwanan ako, o baka natatakot siya sa kung anong gagawin ko kung palalayain niya ako. Hindi ako tumingin sa kanya, pero ramdam ko ang lamig ng kamay niyang nakahawak sa akin. May halong takot at lungkot sa boses niya, pero wala akong maramdaman.
"Sa paradahan po ng jeep. Uuwi na po," sabi ko, malamig, walang kulay. Tuloy lang ang nonchalant na tono ko. Naramdaman ko ang mga matang nag-aalala, sinusuri kung tama ba ang narinig nya.
"Why? Ihahatid ka na lang namin," pilit niyang sabi, as if she could fix something. As if bringing me home could make things better. Pero hindi ako sumagot. Tumingin lang ako sa kanya, pero walang laman ang tingin ko. Sa loob ko, parang lumalangoy ako sa kung saan, hinahanap kung ano ang susunod na hakbang, pero wala akong mahanap.
Walang kahit ano na makakapagpuno sa kawalan na nararamdaman ko ngayon.
Hinawakan niya ang kamay ko ng mas mahigpit. Si Sir Greggy naman, dahan-dahang lumapit at inakbayan kaming dalawa. Tahimik siya, pero malinaw sa mga mata niya ang pighati. Paano ba siya magiging okay kung nanay niya ang nawala? Wala naman talagang maghahanda sa'yo para doon, 'di ba? Pero wala akong naramdaman.
Tahimik kaming tatlo habang papunta sa sasakyan. Sila, siguro, nakikipaglaban pa rin sa bawat hagod ng lungkot. Ako naman? Tahimik lang, walang gana para sa kahit ano—kahit na sa mismong pakiramdam ng sakit. Gusto ko lang matapos 'to. Gusto ko lang makawala sa bigat na halos hindi ko na kaya.
Sa loob ng kotse, walang naglakas-loob na magsalita. Tahimik ang biyahe, at okay lang din naman sa akin 'yun. Mas gusto ko nga ang ganito. Mas gusto ko nang walang makikipag-usap, walang tatanungin, walang aaligid sa akin para lang alamin kung okay ba ako. Dahil alam ko, alam nilang lahat, na hindi ako okay. Pero sino bang okay sa ganitong sitwasyon?
Pagdating namin sa bahay, nagpasalamat ako. "Salamat po sa paghatid," sabi ko, at bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse. Simple lang, pero hindi ko kaya magtagal pa ng mas matagal sa kanila.
"Hey, wait for us, baby," sabi ni Ms, parang gusto pang bumaba at sumama sa akin.
"Huwag na po," sabi ko, malamig pa rin, walang pagbabago. "Umuwi na din po kayo sa inyo. Magpahinga na po kayo." Mas gusto ko na akong mag-isa. Ayoko nang dagdag alalahanin, ayoko nang maramdaman na kailangan kong ipakita sa kanila na kaya ko. Na okay ako kahit hindi.
"Kaya ko na po ang sarili ko," dagdag ko pa. Mahina, pero sapat na para mapaintindi ko sa kanila na hindi na nila kailangang mag-alala.
"Tapos uuwi din naman po si Tita Patricia mamaya kaya may kasama ako sa bahay," pahabol ko, para lang makampante sila kahit hindi naman totoo. Wala akong pakialam kung may kasama ako o wala.
BINABASA MO ANG
Regret
FanfictionRegret- a feeling of sadness, repentance, or disappointment over an occurrence or something that one has done or failed to do. Irene Marcos and Gregorio Araneta's daughter.