Kapitulo diecinueve

125 9 2
                                    

continuation...

Bumaba kami ulit mula sa kwarto, at tahimik kaming pumunta sa sala.

Nagpatuloy si Ms. Irene sa paghahanda ng kung ano sa kusina. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit simpleng bagay lang, napapansin ko na ginagawa niya lahat para ma-distract ako. Alam niyang wala akong gana kumain, pero ginagawa pa rin niya, marahil para mapuno ang katahimikan.

Habang nakaupo ako sa sofa, nag-iisip ulit, bumalik siya mula sa kusina dala ang tray ng snacks—isang maliit na mangkok ng mani, kaunting tinapay, at isang tasa ng chamomile tea.

"Alam kong ayaw mong kumain, pero try this tea," sabi niya, inilapag ito sa harap ko. "Makakatulong 'yan sa'yo. I won't stop until hindi ka kumukuha." Tumawa siya ng bahagya, pero may halong pangungulit iyon.

Medyo natawa ako, pero napabuntong-hininga rin. "Hindi niyo po ako kailangang alagaan nang ganito." Tinitigan ko siya, pero nakikita kong hindi siya magpapatalo.

"Hindi ba ganun naman talaga ang trabaho ko? I'm your mommy, kaya kahit anong gawin mo, aalagaan kita," sagot niya, parang natural lang ang lahat. Nakangiti siya, pero ramdam ko rin ang sincerity. "Try it na."

Kinuha ko ang tasa ng chamomile tea at humigop nang kaunti. Mainit pa ito, at may kakaibang warmth na dumaloy sa katawan ko. Nakakatulong nga pala ang ganitong simpleng bagay. "Salamat po," mahina kong sabi, pero sincere.

Ngumiti siya. "Ayan. Wala namang masama di ba?" Tumingin siya sa akin habang ngumunguya ng mani, tapos biglang nagtanong, "Alam mo ba, nung nasa tummy pa kita, ganito rin ako. Madalas kasama ko ang mga kuya mo at sila pa nga ang nagpipilit na umupo sa tabi ko para lang makausap ka."

Tumawa ako ng konti.

Sa mga pinapakita nya sa akin ngayon ay parang gusto ko na syang patawarin ng tuluyan. Pero may bahagi sa akin na nagsasabing hindi pa dapat ako magpakita ng kahinaan, na hindi ko dapat ibuhos lahat sa kanya. Sobrang bigat kasi ng dinadala ko ngayon—si Nonna, ang health niya, ang lahat ng nangyayari. Gusto kong lumayo, hindi para sa sarili ko, pero dahil ayokong madamay siya.

"Ms Irene..." Simula ko, nag-aalangan pa rin. "Ayokong dagdagan 'yung iniisip niyo. Alam kong busy rin kayo, may trabaho, may buhay, and... hindi naman niyo kailangan mag-alala nang ganito para sa akin."

Umiling si Ms. Irene, huminga nang malalim at tinitigan ako nang mataman. "Ely, you are one of the greatest thing that happened in my life. So hindi mo kailangang alalahanin ang pag-aalaga ko sa'yo. Sobra ko talagang pinagsisisihan ang pag-iwan ko sa'yo and sometimes naiisip ko na masyado malayo ang mundo mo sa akin. Pero anak, hindi kita pababayaan kahit ano pa ang mangyari."

Sa tono ng boses niya, alam kong seryoso siya.

Napa-buntong hininga ako, mas natutunan ko na wala na akong magagawa kundi tanggapin ang pagiging persistent ni Ms. Irene. "Alam niyo, sobrang persistent niyo po," biro ko, pero may halong pag-appreciate. "Hindi ko kayo matakasan kahit anong gawin ko."

Tumawa siya ng mahina, tapos tumingin sa akin na may halong lambing. "Well, anak, that's my job. Hindi mo pwedeng takasan ang mommy mo. Kahit anong distansya pa ang ilagay mo, hahabulin kita."

Lumipas ang mga oras at mag-gagabi na. Nagdesisyon si Ms. Irene na magluto ng simpleng hapunan para sa amin. Pumunta ako sa kusina para sana tulungan siya, pero nang makita niya ako, mabilis siyang pumigil.

"Anak, ako na dito. Go take a rest nalang sa sala" sabi niya habang abala sa paghahalo ng kung anong sauce sa kaldero.

"Ayoko pong magpahinga na naman. Hindi ako sanay na wala akong ginagawa," sabi ko, kahit alam kong wala akong masyadong energy para maging productive. Pero hindi ko rin alam kung paano tatanggapin na okay lang na hindi maging busy paminsan-minsan.

RegretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon